TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 6, 2011

Piolo and KC dramarama



Siyempre dahil mainit tulad ng kapeng barakong bagong kulo , masarap sumawsaw davah.

Masarap sumawsaw ng Oreo , Dunkin Donut o kaya pandesal he he .

Kahit nakakaumay na ang isyung ito , makikisawsaw na rin tayo  .

Matagal ko nang alam na hiwalay na ang couple na ito courtesy of my ibong tiririt showbiz insider .

Ayon sa aking showbiz spy , hindi pa lang ito ibinubulgar sa madlang pipol dahil very damaging nga naman sa image ng  kanilang prize possession in the person of Piolo Pascual .

At dahil malapit nang magsimula ang teleserye project ni Piolo sa ABS-CBN entitled Padre De Pamilya , hayan at nag-isyu na ng go signal ang mga bosses para ngumawa na si KC in front of national television bilang promo and gimmick para sa nasabing teleserye .

Ang galing ng timing ano ha ha ha.

Well , matagal nang pinagdududahan ang kasarian nitong si Piolo .

Usap-usapan na sa apat na sulok ng showbizlandia na berde daw ang dugong dumadaloy dito kay Papa P.

Hmmm , berde agad , hindi ba pwedeng  maroon o kaya ay pink o violet muna ?

At dahil sa pagngawa nga ni KC sa harap ng mahiwagang salamin ni Boy Abunda and it comes to  happen that reading between the lines sa kaniyang mga binitawang pahayag , mahihinuha mo na maaaring totoo nga ang  chismax na umiihip  sa showbizlandia.

Speaking of  kapag may usok , may apoy .

Well , hindi na ako magku-comment tungkol sa sexual preference ni Papa P dahil wala naman tayo sa sitwasyon upang manghusga tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao.

It's his choice , so be it.

Siya lang at tanging siya lamang ang nakakaalam kung ano talaga ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao.

Actually , wala namang problema kung bakla man si Piolo o hindi.

Wala naman na tayong pakialam dun di ba? It's his life so let him mind his own like we have to mind our own.



But the actual danger comes in pretending.

The more pretensions na ilubid sa hangin , the more na mas maraming damdamin ang masasaktan.

The mantra that says that  truth shall set you free is almost always  universally binding .

Maraming puwedeng dahilan ang tao kung bakit hindi siya magsasabi ng totoo at piliing magsinungaling .

In Piolo's case , if ever man na totoong bakla nga siya , career is one important factor kung bakit hindi niya ito maamin .

But then , wala naman sanang problema kung hindi man niya aminin ito. Choice niya iyon .

Subalit tulad nga ng sinabi ko , ang problema ay dumarating sa pagpapanggap na kaakibat ng pagsisinungaling na ginagawa natin.

Marahil dahil nga ayaw niyang mabuko ang tunay niyang pagkatao , he masks it by having girlfriends here and there para lamang mapagtakpan ang buong katotohanan. At least ay ito ang palagay ng nakararami.

And that's where  danger comes!

Dahil sa pagpapanggap na ito , may mga nasasaktan , may mga nadadamay .

In my case , matagal ko nang inamin sa sarili ko na ako ay isang bakla, period . There's no question about it , berde at pink at multicolored ang aking hasang  .

Pero hindi ko siya kailangang iparada at ipagbanduhan at kailangan ko pang isigaw sa megaphone para lamang malaman ng marami at lahat ng tao na isa akong malansang talakitok.

Sapat na ang aminin sa sarili ko na isa akong sirena. 

Kung sabihin nilang bakla ako , okay lang , aminado naman ako . At kung hindi naman nila isiping bakla ako , okay din lang . Wala namang mawawala sa akin .

Pero hindi ko na kailangang ipagwagwagan sa lahat na heto ako bakla ako at tanggapin ninyo ako as I am .

No , not that way.

Ang maganda dito , hindi ko kailangang gumawa at mag-imbento ng mga paraan at magsuot ng maskara para hindi ako mapaghinalaan . Dahil wala naman akong pinangangalagaang career in the first place.

But eversince naman ay hindi ako nag-display ng babae o sinumang girlfriend para lamang mapabulaanan ang aking imahe bilang isang lalaki. Since day one ay never akong na-involve sa sinumang babae.

And from that , you can deduce kung anong pagkatao meron ako .

Ikaw na ang bahalang manghula at mag-isip. Husgahan mo ako if you like .

Bahala ka .

But one thing na maipagmamalaki ko , kailanman ay hindi ako nagpanggap na tunay akong lalaki !

At nanggamit ng babae para pabulaanan ang tunay na ako.

Ang sa akin lang , kung bakla ka , so be it .

But don't mask and try to hide the real you by fronting so many girls around you.

Or maybe , just maybe , in denial pa rin si Papa Piolo ko ?

Ah ewan , ang daming problema ng bayan kaysa pag-aksayahan  pa ng panahon ang nonsense na usaping ito.

Bahala na sila sa kanilang mga drama . Tutal mga artista naman sila eh , diyan sila magaling .

Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw . Lahat ay as obscure as a muddy puddle .

Maraming insinuwasyon , maraming haka-haka . Pero wala namang ebidensya .

All in all , silang dalawa lamang ang nakakaalam kung ano ang totoo.

At pabayaan na natin sila kung hanggang saan at hanggang kailan sila dadalhin ng kanilang kunsensya .

Iyon ay kung meron pa !

Yun lang !

1 comment:

  1. ang kontrobersyal na celeb, hehehe! tama bahala sila sa buhay nila, dapat totoo ka sa sarili mo para walang pinagdadaanan gangyan.. Good for you inaamin kong ano ka, yan dapat.

    ReplyDelete