TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 13, 2011

Occupy Philippines


Umabot na rin ang silakbo ng Occupy Movement dito sa Pilipinas nang magsagawa ng martsa at rali ang mga namumuno  nito sa Mendiola at Recto nitong buwan lamang na  ito .

Ang Occupy Movement ay  inorganisa upang  labanan ang mga katiwalian sa ekonomiya at sosyal na kalagayan ng mga tao sa mundo .

Ayon sa mga tagapanguna nito , laganap ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga mayayaman at mahihirap.

Ang mga mayayaman ay lalo lamang yumayaman . At ang mga mahihirap ay lalong nababaon sa kumunoy ng kahirapan .

Hindi umano pantay ang distribusyon ng yaman sa buong mundo .

Kaya naman layunin ng organisasyong ito na okupahin ang mga pangunahing lansangan at sentro ng komersyo sa buong mundo upang iparating ang mensahe ng pagkakapantay-pantay at paglaban sa kahirapan na unti-unting sumisikil sa mga tao.

Katulad nang nangyari sa Wall Street sa New York na siyang pinakamalaking sentro ng  komersyo at kalakalan sa buong daigdig na inokupahan ng mga miyembro nito .

Lumalaganap na ito at unti -unting nakikilala sa buong mundo . At nakarating na nga dito sa Pilipinas .

Tunay ngang malawak  na ang agwat ng mga mayayaman sa mahihirap . Halos hindi mo na matanaw sa lawak.

At minsan nakakapagod pagmasdan at isipin kung paano sila mapaglalapit .


Hindi man sana maging dikit na dikit . Sana man lang ay iyong lapit na mararamdaman at mamamasdan ng mga mayayaman ang kahirapang  nararanasan ng  mga taong salat sa pera at pinagkaitan ng tadhana  .

1 comment:

  1. natawa ako sa picture na occupy the northpole, sila ba ung mga dwarfs ni Sleeping beauty? hehe

    ReplyDelete