TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 31, 2011

Happy New Year .... Welcome 2012 ....10 tips kung paano salubungin ang bagong taon nang walang paputok

" Its' just another New Year's Eve " sabi nga ni Barry Manilow .

Goodbye 2011 .

Welcome 2012 .

Putukan at sabugan na naman . For sure mamayang hatinggabi ay mangingitim na naman ang mga kulangot sa aking ilong .

At mapupuno ng smog ang buong Earth.

Pasubali sa mga magpapaputok ng paputok ( redundant ba ? ) , huwag na lang po .

Maawa kayo sa mga daliri at kamay ninyo.

Dapat next year ay makakanta pa rin kayo ng " sampung mga daliri , kamay at paa "

Dahil baka naman ang awitin n'yo na ay " limang mga daliri , putol ang lima "

Ha ha ha.

Pakinggan ang panawagan ni Secretary Enrique Ona ng DOH .

Bumili na lang ng CD na naglalaman ng sari-saring ingay katulad nito :



CD po ang laman ng trayanggulong  iyan at hindi pulbura huh.

Ang sabi kaya daw nag-iingay ang mga tao sa pagsalubong sa New Year ay para maitaboy ang mga masasamang espiritu sa kapaligiran.

Well , here are my 10 tips para makalikha ng ingay na siyang sasalubong sa Bagong Taon at magtataboy sa mga evil and bad spirits around us .

10.) Buksan ang radyo at ilagay sa FM . Itodo ang volume hanggang sumabog ang loudspeaker mo  . I'm sure ang lakas ng sabog niyan .

09.) Pumili ng mga VCD o DVD movies  na lumalagabog ang audio at Dolby surround sound at isalang sa  player . Itodo ang sound effects para rinig   hanggang kabilang ibayo ang ingay ng surround system mo. Huwag lang magsasalang ng mga porno CD at baka mga halinghing ang marinig ng mga kapitbahay mo .

08.) Kuhanin ang batya o palangganang gawa sa metal sa inyong banyo. Alisin ang mga nakababad na de-kolor at puti. Hampasin ng palu-palo ang batya para gumawa ng ingay . Kung gusto mo sabayan mo na rin ng paglalaba at pagkuskos para menos trabaho sa New Year.

07.) Bumili ng torotot at hipan ito hanggang sa maubos ang iyong hininga . O kaya mag-jamming kasama ang iyong mga kabanda. Patugtugin lahat ng musical instrument katulad ng gitara , drumset at cymbals. Dapat rock ang tugtugan para may kasamang hampasan , batuhan at siraan  ng mga gamit pagkatapos ng jamming .

06.) Paandarin ang busina ng sasakyan . Siguraduhin lamang na nakaparada ka ha at baka mapagkamalan kang nawawalan ng preno kaya ka bumubusina  .

05.) Kunin ang silbato o pito ni tatay na pulis at hipan ito . I am sure , hindi lang mga masasamang espiritu ang mapapalayas nito kundi pati iyong mga magnanakaw na gumagala sa paligid.

04.) Bisitahin ang iyong kapitbahay na may alagang asong bulldog o pitbull o police dog at galitin ito . Sa lakas ng tahol niyan ,jackpot ka sigurado sa ingay na lilikhain nito . Iwasan lang makagat nito.

03.) Pumalakpak ng malakas at sunod sunod .Ipadyak ang mga paa . Maglulundag sa tuwa  . Gumawa ng sari-saring mga tunog tao katulad ng paghikab , pagpitik , paghampas sa balat , paghuni , pagpaswit ,pagbelat , pagdighay atbp.  Kahit ano basta please huwag lang ang pag-utot okay ??

02.) Kunin ang cellphone at i-set ang alarm sa alas-dose ng hatinggabi . Tiyak na pagpatak ng alas-dose ay tutunog iyan at gagawa ng ingay. Itodo ang volume ng cellphone at mag-miscol lamang sa iyong mga  kaibigan at kakilala na nasa phonebook mo . At dahil minimiskol mo sila , tutunog ang kanilang mga cellphone  at lilikha ng samut saring mga ringtone na magpapaingay sa mundo . Pihadong pagkatapos mong gawin ito , lowbat ka na at zero balance after the New Year he he .

01.) Imbitahan ang iyong biyenan sa inyong bahay . Galitin o asarin siya at tiyak magtititili iyan at rerepeke ang bunganga sa sermon at daldal .Hayun may instant noise pollution ka na he he he.

HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE !!!!

WELCOME YEAR 2012!!!!

2 comments:

  1. Safe na safe pa. Asteeeg!!! Happy New Year sa lahat!

    ReplyDelete
  2. SALAMAT PO SA PAGBISITA ... HAPPY NEW YEAR ...

    ReplyDelete