TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 20, 2011

Gloomy Christmas 2011 : Typhoon Sendong in Mindanao

Parang ang lungkot ng Pasko ngayong 2011.

Ramdam ko ang siphayo , pansin ko lang .

Sa amin walang masyadong nangangaroling na mga bata . Napagod na siguro kasi lagi namang sinasabihan ng " patwad " ng mga bahay na kinakarolingan. At kung mamalasin pa ay ipapahabol sa mga alagang aso.

Kaunti ang mga palamuting pamasko  sa kalsada at mga bahay-bahay . Walang pambili ng bagong Christmas tree at Christmas lights.Sa amin nga hindi na rin nagkabit si Mother ng  dekorasyong pamasko.

Wala ring masyadong tao sa mga shopping places dahil walang pera pambili ang mga tao . Matumal ang benta sabi ng mga negosyante. " Lugi negosyo " ang sabi ng mga Chinese.

At nag-uulan pa . Pati ang langit ay tila ba umiiyak at nakikidalamhati.

Tapos ngayon may bagyo pa.

At ang trahedyang bumulaga sa mga babasahin ngayon .

Nakakakilabot.

Halos 800 na daw ang mga namatay kasama ang mga  nawawala pa dahil sa pananalasa ng bagyong Sendong ( international name is Washi )sa Northern Mindanao partikular sa mga lungsod ng Iligan at Cagayan De Oro .

Diumano ay kapareho ang ulang dala nitong si Sendong  kay Ondoy nuon na nanalasa dito sa Metro Manila at mga karatig probinsya.

Walang nag-akala na ganito kagrabe si Sendong dahil ayon sa ulat ng PAGASA ay mahina lang ang dala nitong hangin. Ngunit dagat pala ang dalang ulan at tubig.

At sa gabi nangyari ang delubyo kung saan ay tulog ang mga tao kung kaya naman marami ang namatayan dahil sa biglaang pagragasa ng baha at putik sa kanilang mga kabahayan.

Grabe.

Magpapasko pa naman .

Ito na yata ang pinakamalungkot na Pasko eversince nangyari ang paglubog ng barkong MV Dona Paz nuong December 20 , 1987 kung saan ay halos 5,000 ang nasawi  at ang landslide and flashlood sa Ormoc City nuon namang November 1991 na halos 6,000 ang namatay.

Marami ang maaaring magtanong kung bakit kailangang mangyari ito .

Ewan . Maski ako ay hindi ko alam kung bakit.

Tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung bakit Niya ito pinahintulutan.

Sa panahon pa naman ng pag-alaala at pagdiriwang ng sambayanan ng araw at panahon ng Kaniyang kapanganakan.

Dapat ding sisihin ang mga tao .

Dahil sa pagwawalang-bahala nila kay Inang Kalikasan na labis nang nasusugatan.

Ngunit sa panahong ito ay hindi na kailangan ang magsisihan.

At magbatuhan ng pangungutya at panglilibak.

Bagkus dapat ay magkaisa ang lahat upang tulungan ang ating mga kababayang nasalanta .

Kaya't magkaisa at tumulong .

At ipagdasal ang mga nasawi nating mahal na kababayan .

Oh Diyos ko , ikaw na po ang bahala sa amin!

Heto ang ilang mga larawang nakuha ko mula sa Google kaugnay ng nasabing trahedya :








No comments:

Post a Comment