TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 10, 2011

Bawal ang plastik sa Antipolo

Mayruong ipinalabas na ordinansa ang  Lungsod ng Antipolo na nagbabawal sa paggamit ng styrofoam at plastic bags sa buong kalungsuran simula nitong buwan ng Nobyembre.

At dahil dito ay apektado ang mga negosyante and mamimili alike ng buong lungsod dahil sa ordinansang ito .

At dahil nga dito kami nakatira sa Antipolo ay isa kami sa mga naapektuhan .

Bilang mga negosyante at may tindahan dito ay napilitan kami na magpalit ng pambalot at pangsupot mula sa plastik patungo sa papel at iba pang environmentally friendly na lalagyan o supot . Kaya ang aming tindang hot drinks katulad ng hot coffee , hot chocolate at jiampong noodles ay nilipat namin mula sa styro cups patungo sa paper cups . At ang mga lalagyan na mula sa dating cellophane at plastic bags ay pinalitan namin ng mga paper bags. Wala namang kaso sa mga ito , dangan nga lamang ay mas mahal ang mga paper bags kaysa sa mga plastics kaya apektado ang budget naming mga negosyante dito sa Antipolo. Kailangan ding ipatong namin ang dagdag na gastusing ito sa aming mga paninda . Ang resulta, mas mataas na presyo ng mga bilihin.




At bilang mga mamimili naman ay apektado din kami dahil ang mga grocery , pamilihan at mga tindahan dito ay hindi na nagbibigay ng plastic bag kaya kahit gaano kabigat ang mga pinamili mo ay ilalagay pa rin nila sa karton o paper bag na madali namang mabutas lalo na kapag nabasa o naulanan.

Una , hindi ako kumporme sa paggamit ng papel bilang alternatibo o pamalit sa mga plastic bags . Hindi na nga siya matibay at madali pang masira at mabasa , alam din natin na galing sa puno ang mga papel kaya hindi rin ito swak bilang eco-friendly na pamalit bilang ating lalagyanan.

Pabor pa ako sa mga eco-bags na naglipana na ngayon sa merkado tulad nito:



Tunay nga at bilang pakikiisa sa pagpapagaling sa karamdaman ng ating Inang Kalikasan ay ating iwasan ang paggamit ng mga plastik at styrofoam sa ating kapaligiran . Nagagalak tayo na marami nang kumpanya at pabrika ang nakikiisa sa layuning ito.

Dapat ay makaisip pa ng ibang mga lalagyan at supot na magagamit natin na hindi makakasira sa ating mundo and at the same time ay matibay , maaasahan at magbibigay-ginhawa para sa mga mamimili at negosyante ng bawat bansa .

I am sure na  may mas makatuturan pang maiimbento ang ating mga siyentipiko keysa sa plastic at papel na inilalako ngayon .

Nakikiisa  tayo sa adhikaing ipagbawal  ang plastik hindi lamang sa Antipolo kundi sa buong bansa na sana. Ngunit hindi rin  naman tayo pabor na gawing pamalit ang papel bilang lalagyanan dahil sinisira pa rin nito ang mga puno sa ating kagubatan . Mag-isip pa sana tayo ng ibang mga alternatibo na magagamit maliban sa mga plastik at papel .

How about bumalik na tayo sa paggamit ng bayong , rattan , buli o tampipi ?

bayong

rattan bag

buli bags

tampipi


Environmentally-friendly na , retro pa ang fashion statement mo , oh di ba ...

3 comments:

  1. nakakasira din naman sa environment natin ang styrofoam at plastic.. cge balik tau sa bayong.. hehe!

    ReplyDelete
  2. dito sa ortigas.. 7/11, ministop at mcdo bawal nadin ang plastic.. kapag bibili ng kahit ano.. sa paper bag na nila nilalagay..

    ReplyDelete
  3. Grace Briones WindhausenDecember 10, 2011 at 7:22 PM

    korek..bakit nga ba di gumamit ulit ng mga bags na yan tulad nun..mkakatulong pa sa local industry natin jan..dagdag trabaho:)hehe..d2 gnyan din puro papel halos mga lalagyan:)

    ReplyDelete