TRAVELBOOK NOW!

Friday, December 2, 2011

Bangkok Flood

Nakakabahala na itong bahang nagyayari sa Bangkok.

Kabisera ng bansang Thailand ang Bangkok kung saan maraming establisimyento at mahahalagang gusali ang nandirito. Ito ang sentro ng residensya , komersyo at pamahalaan   sa buong bansa kaya talagang masidhi ang epekto nito sa ekonomiya ng Thailand .

At huwag ka dahil mahigit na palang limang buwan itong dahan-dahang pagkain ng tubig sa buong siyudad na nagsimula pa nitong Hulyo.

Apektado na ang maraming mamamayan at indibidwal dahil dito.

At ang nakakabahala ay tila walang solusyon na maipatupad ang gobyerno kung paano ito pipigilan.

Ito diumano ay dahil sa unti-unting bumababa o dumadausods na lupa ng Bangkok. Ibig sabihin mas mababa na ito ngayon keysa sa mga anyong tubig na nakapalibot dito. Kaya hindi kataka-taka na lamunin ng katubigan ang buong siyudad sa susunod pang mga araw at buwan.

Ito na nga ba ang kinatatakutan nating epekto ng global climate change .

Balang araw nga daw ay maraming lupain pa sa mundo ang unti-unting lalamunin ng katubigan dahil sa pagkatunaw ng malalaking yelo sa hilaga at timog na bahagi ng mundo.

Maraming mga isla nga daw ang maglalaho sa mapa ng mundo dahil dito.

Nakakatakot dahil hindi malayong mangyari ito dito sa Maynila na nakatayo din sa mas mababang anyo ng lupa . Bukod pa sa reclaimed land lamang ang ilang bahagi ng lupain dito.

Waterworld is slowly creeping and knocking on our doors .










1 comment:

  1. grabe yung baha....... tsk tsk. sana masolusyunan to.

    ReplyDelete