TRAVELBOOK NOW!

Saturday, November 12, 2011

They do come in threes

They say that they do come in threes.

At ito nga ang tatlong maiinit na isyung may kinalaman sa mga celebrities na lately ay nabiktima ng krimen .

Mainit katulad ng bibingkang bagong hango at tsaang bagong kulo ang mga isyung ito :

Una na  nga ay ang pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla , anak ng beteranong aktor na si "Pepeng Agimat" Ramon Revilla Sr. at kapatid ni Senador Ramon " Bong " Revilla Jr.

Ramgen Revilla

Ramona Bautista

Ramon Joseph " RJ " Bautista

Mabusisi at masalimuot ang naganap na pagpatay dito kay Ramgen dahil involved diumano ang mismong mga kapamilya , partikular ang mga kapatid na sina Ramona Bautista at Ramon Joseph " RJ " Bautista at lately ay pati na ang ina nito na si Genelyn Magsaysay ay isinasangkot na rin daw .

Consistent ang statement ng mga nahuling suspek sa krimen na may kinalaman nga daw ang magkapatid sa planong pagpatay kay Ramgen . At dahil daw ito sa pinag-aawayang sustento at pera na pinamamahalaan  diumano ni Ramgen. Tumakas na  o umalis papuntang Turkey si Ramona ( Turkish citizen kasi ito courtesy of her Turkish husband ) dahil dito .

Sa aking opinyon,  lagi na , flight  means an admission of guilt!

Kung wala kang itinatagong kasalanan ay hindi ka dapat magtago at umiwas .

Harapin mo ang kaso o akusasyon laban sa iyo . And besides , hindi mo ba gustong makatulong sa paglutas sa kaso ng pagpatay sa iyong kapatid sa pamamagitan ng ng iyong mga pahayag na maaaring ikalutas o ikalinaw ng imbestigasyon sa kaso . Kung talagang wala kang kinalaman tungkol dito , bakit hindi mo harapin ito ng buong tapang at tatag ng loob?

Sa kaso ng inang si Genelyn na pilit ipinagtatanggol ang kaniyang mga anak na nadadawit sa kaso at sinasabing wala itong kinalaman sa krimen , mas makakabuti kung papayuhan niya ang kaniyang mga anak na makipagtulungan at sabihin ang lahat ng kanilang nalalaman nang sa gayon ay malutas at mapanagot ang sinumang may kinalaman sa pagpatay ng mismo niyang anak . 

Malayo pa ang pupuntahan ng kasong ito . Malalim ang pinag-ugatan ng krimen . Ang hindi ko lang maubos - maisip at hindi maabot ng payak  kong isipan ay ito : magagawa pala ng isang mga kapamilya ang pumatay ng kanila mismong kadugo dahil lang sa pera ? Iyan ang mahiwagang tanong na gumugulo sa aking utak  ! Pwede palang ipagpalit ang pera sa dugo !

Sa pangalawang kaso naman ng pagpatay sa ama ni international singer Charice Pempengco na si Ricky Pempengco sa Laguna .

Ricky Pempengco

Charice
Matagal na daw na hindi nagsasama ang mag-ama pati na ang nanay nito na si Raquel hanggang sa mangyari ang krimen . Diumano ay sinaksak at napatay si Ricky ng isang kababaryo dahil sa isang simpleng sagutan. Ayon din sa report ay mayruon diumanong diperensya sa pag-iisip itong si Ricky dahil sa pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot.

Sa huling pagkakataon ay dinalaw ni Charice ang kaniyang ama na isa nang malamig na bangkay .

Sabi ni Charice ay mahal na mahal niya ang kaniyang ama at hindi niya ito makakalimutan.

Subalit mararamdaman pa ba ito ngayon ng pobreng tatay niya gayung isa na siyang bangkay . Sana nuong buhay pa ito ay ipinadama na ni Charice ang sinasabing "pagmamahal " niya dito ! 

At ang pangatlo ay ang pagbaril naman dito kay Talk N' Text center/forward Ali Peek ng isang diumano'y
" stalking fan "


Ali Peek
the suspect
Wala pang linaw kung ano ang pinag-ugatan ng pangyayari , subalit ang malinaw ay may tangka talagang itumba o patayin ang beteranong basketball player .

Hanggang ngayon ay nakabaon pa rin sa leeg ng player ang balang ginamit sa krimen at hindi pa rin natatanggal.

Buti na lang at dito sa pangatlo ay hindi binawian ng buhay ang biktima .

Tunay nga na walang pinipiling tao ang mga nagkalat na alagad ng diyablo dito sa Pilipinas . Nasa paligid lamang sila at humahanap ng masisila anumang oras.

The moral of the story , mag-ingat tayong lahat , maging sikat ka man o hindi , ordinaryo o kinikilalang tao ka man , tinitingala o nilalait ka man ,  lahat tayo ay puwedeng maging biktima ng mga kapwa natin na halang ang kaluluwa.

Parting words : huwag kang matakot sa multo  , matakot ka sa buhay na tao at gagawin kang multo !

No comments:

Post a Comment