Sunday, November 20, 2011

Should I Stay Or Should I Glow ?

Hindi po ako nagkakamali ng spelling ng title ng article na ito.

Glow po talaga iyan , at walang kinalaman ang 80's new wave song ng The Clash sa artikulong ito .

Ito ay may kinalaman sa tangkang pag-alis ng bansa ni Ate Glow he he he .

Ilang punto lamang ang gusto kong puntusan ukol dito sa Arroyo brouhaha :

1.) Na kahit gastusan daw ng gobyerno ang pagpapagamot ni Ginang Arroyo basta dito gagawin sa bansa ang kaniyang operasyon. Huwag naman po sana . Maraming dapat gastusan at gamitan ang pera sa kaban ng bayan at hindi sa pagpapagamot sa mga Arroyo. Ang daming pera nang mga iyan huh . Baka nga mas marami pa  kaysa kay Mang Henry . Kaya hindi na kailangang gobyerno pa ang gumastos sa mga lintek na iyan . Eh kung personal na pera kaya ni Pnoy ang gastusin , payag kaya siya ?


2.) Kung bakit naman kasi ipagpipilitan pang sa ibang bansa magpagamot kung meron namang mas magagaling at modernong mga pasilidad para dito na lamang sa ating bansa gawin ang operasyon ng dating pangulo . At saka bakit parang maga-around the world sa dami ng bansang gustong puntahan ? Maysakit na nga maga-around the world pa! Ano iyan turista !


3.) Ang sabi ng iba nagsasakit-sakitan lang daw ang dating Pangulong Arroyo . Sa palagay ko ay hindi naman yata . Kita naman sa mga photoshoot ni Ate Glow   na talagang maysakit nga ang ale . Eh para na ngang alien sa ibang planeta ang itsura eh pagdududahan n'yo pa. Kayo naman oh .Ang hirap kaya mag-pretend na maysakit huh ! Maawa naman kayo sa kaniya . Maysakit talaga siya sa ulo he he he . Eh kasi naka-brace na nga ang ulo niya eh di ba?


4.) Ang tapang ni DOJ Secretary Leila De Lima . May bayag . Parang babaeng maton . Yan ang dapat . Palaban . Hindi katulad ng iba na bahag ang buntot .  At tila umuurong ang bayag !


5.) Kung si De Lima ay may bayag , ito namang abogado ni Ginang Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio ay gustong ipatanggal ang bayag niya . Aba , may ambisyon yatang magpakapon itong alagad ng mga Arroyo. O baka naman secret fantasy niya ang matanggalan ng bayag dahil ang gusto niyang ilagay ay puke he he he.


6.) May Constitutional Crisis daw dahil sa hindi pagsunod ni DOJ Sec. De Lima sa utos ng Korte Suprema . Sa palagay ko naman ay hindi mangyayari ito dahil parehong may argumento ang dalawang panig ng gobyerno at hudikatura. Nasa tamang pag-uusap lang iyan ng dalawang sangay ng pamahalaan . Hindi sila dapat magbanggaan sa walang kwentang usapan na ito. Dapat pa nga ay magkaisa sila .

7.) Ang sabi ng mga kritiko ng mga Arroyo ay karma daw ito sa kanila . Well , ang karma ay dalawang uri , good and bad . Sa pagkakataong ito ay tila ba bad karma ang nangyayari sa mga Arroyo . Ibig sabihin ba nito ay may bad silang ginawa in the past ? Puwede ba itong lunasan ng karma sutra he he he? Well , whether it's karma or not , isa lang ang tiyak . Binabalikan sila ng kanilang kahapon at nakaraan .


8.) The latest news ay inaresto na daw ang dating pangulo sa mismong ospital na kinararatayan nito . Buti naman , este , salamat naman . At least , may karapatan na  ang pamahalaan na ipairal ang HDO nito para sa mga Arroyo.




And let the wheels of justice roll .

Abangan ang susunod na mga kabanata .

Mahaba-habang usapan pa ito !

No comments:

Post a Comment