Tuesday, November 8, 2011

NCO Shop And Cash 2011

For the second time around ay nakasali ako sa Shop And Cash Project 2011 ng NCO RMH Teleservices call center company na nasa ELJ Building sa Mother Ignacia in Quezon City ang main office .

Two years na akong involved sa ramp project na ito which is happening only from October to December of every year .

Dahil sa dami ng volumes ng tumatawag sa telepono about inquiries , complaints and any other kind of concerns about the Amazon shopping website coming from the US and UK customers during this holiday shopping seasons ay nangangalap sila ng additional workforce para siyang tumanggap at mag-facilitate ng mga incoming calls . Karaniwang queueing o sunod sunod ang dating ng calls sa ganitong panahon kaya talagang kinakailangan ang mas maraming agents na pupuno sa bawat workstations at nakahandang tumanggap ng mga tawag .


Almost 1000 additional workforce ang kinakailangan nilang i-book throughout the event para ma-augment ang need for additional people .

At dahil eligible naman ako for a re-hire ay madali lang akong natanggap for the ramp project this year .

Of course may mga requirements pa rin na kinakailangang i-secure bago ka makapasok . Walang palakasan ikanga .

Tumatagal ito nang halos tatlong buwan na karaniwang nagtatapos by early January kapag nag-subside na ang volume ng calls na nare-receive ng office during the season .This project entails 5 days Foundation Training , 10 days Product Training , 5 days ABAY Training and the remaining days ay i-eendorse ka na sa floor para mag-receive ng live calls .

Mas malaki ang payout sa ganitong mga project-based job compared sa  fulltime job  . At dahil nga ilang buwan lang tumatagal ay mas marami ding benefits and perks na nakukuha like a free shift meal and night differentials.

Ganitong mga projects na lang ang pinapatulan ko dahil hindi na ako puwedeng mag-fulltime sa mga company like this . Iyong mga part-time lang para month long lang ang aking haggardness at stress schedule tapos ay harap ulit  sa aking negosyo. At least , buwan lang akong mai-stress at tapos nuon ay petiks na naman he he .

By February na ulit ang sunod na project ko when the Valentines season comes around dahil heavy ulit ang volume ng calls for the 1-800 Flowers account naman .

So , a very busy December season surely awaits me .

Congratulations and happy working mga ka-batchmates !

1 comment:

  1. salamat very informative ang sinulat mo. plano ko mag apply dito.

    ReplyDelete