TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, November 2, 2011

nabugahan ka na ba ng nakataas na tambutso ng mga motorsiklo ?

Whatever happened sa panukala na ipagbawal na ang mga maiingay at nakataas na tambutso ng mga motor na gumagala at naghahasik ng lagim sa mga lansangan ngayon huh?

Ilang beses na rin akong nabugahan ng pesteng usok ng tambutso ng mga motor na iyan na tila ba sinasadyang itapat sa fez ko ang polusyon ng bwaka ng inang usok na iyan.

Anong palagay nila sa fez ko , chimineya ?

Maraming " bricks " ang mukha ko pero hindi chimineya iyan noh !

Ewan ko ba at kung anong naisip ng mga motorcycle manufacturer na iyan at pinili nilang itaas sa mukha ng mga passersby at pedestrians ang tambutso ng mga motor nila ?

Kaya hayun sa tuwing magbubuga ng nakalalason at mabahong usok ang mga motor nila , swak na swak sa ilong mo at mukha ang  pu...t.... inang usok na iyan.

Not once , but 10 times ko nang naranasan na mabugahan ng usok na iyan ng mga motor na nakataas ang tambutso. Dagdag pa ang noise pollution ng iba naman na sobrang ingay kapag umaarangkada at nagrerebolusyon.

Ang sabi ng mga manufacturer , kaya daw nila ginawa ang ganitong disenyo ay para iiwas sa baha ang mga motor na ito sa tuwing umuulan para hindi mapasukan ng tubig ang nasabing mga tambutso na tiyak ikasisira nito.

Pero sa ginawa naman nilang ito ay mga pedestrians naman ang natatamaan ng innovations na ito sa kanilang sasakyan  .

Tama na . Sobra na . Ipagbawal na ang mga motor na iyan na nakataas ang mga tambutso !

Paging MMDA and LTO , sirs and madams paki- pasakan na  lang po ang mga butas ng mga tambutsong ito na perwisyo na  sa mga commuters and drivers alike .


Hmmmppp , eh ano kaya kung yung tambutso ay idiretso na lang sa mukha ng mga motorcycle driver na iyan huh !

Please lang !!!!

1 comment:

  1. hala..madaming magagalit sa write-up mo na to kuya,..an daming may motor jan.hehe..di cla papayag..:)

    ReplyDelete