Sunday, November 27, 2011

MMK presents " Manok "

Naantig naman ang aking damdamin dahil sa isang episode ng TV drama anthology  na Maala-ala Mo Kaya ( MMK ) entitled " Manok "

Inspired ito ng true story of Julie/Puying ( effectively played by Sylvia Sanchez ) na isang probinsyanang manang na binansagang " aswang " sa kanilang lugar dahil sa kakaibang mga kilos at galaw nito .

Mabuti na lamang at naging kaibigan niya ang letter sender na si Anna ( na ginampanan ni Precious Lara Quigaman ) na isang mabait at maunawaing ina at asawa kung kaya't nabago ang maraming aspeto at pagtingin ni Puying sa kaniyang sarili at kapwa tao.

Pinaghalong genre ng horror at drama in one.

Swak na swak ang bandang ending ng palabas lalo na ang last message ni Ate Charo Santos kung saan kaniyang ipinangaral ang pagtingin ng pantay sa anumang uri ng tao at ang pag-iral ng pagmamahal at pusong bukas at maunawain para sa mga taong kakaiba ang ikinikilos kaysa sa karaniwan.

Talagang likas sa mga tao ang manghusga at manglait kaysa sa tingnan muna ng maigi ang kanilang sariling pakatao na diyatat mas bulok pa kaysa sa mga taong hinuhusgahan nila .

Sana ay magsilbing eye opener ito para sa marami sa atin.

Tunay na number one pa rin ang MMK sa loob ng 20 taon sa pagbibigay ng makabuluhan at magagandang aral at leksyon para sa ating mga buhay .

Here is the link to watch the whole replay  of this TV episode :

 MMK - Manok episode replay

3 comments:

  1. akala ko nakakatakot hndi pala, ang gandang kwento nga, kawawa naman c julie.. sana magamot na siya ng science..

    ReplyDelete
  2. bakit kaya "manok" yung title?

    ReplyDelete
  3. @ Mommy Razz ... oo nga po eh , akala ko rin certified horror ... di naman pala , slight lang he he
    @anonymous , dahil buhay na manok ang kinakain ni Julie/Poying

    ReplyDelete