Thursday, November 17, 2011

negosyong naglahong parang bula

Napag-usapan naming mga magbabarkada isang araw ang ilang mga negosyo o establisimyento na  ngayon ay tila ba hindi na uso at nawala na yata sa sirkulasyon .

Na parang kailan lamang ay namamayagpag at sikat na sikat na halos lahat ng kanto at kalye ay mayruon silang branch o istasyon.

Nasaan na kaya sila ngayon at ano na ang nangyari sa kanila ?

Inisa-isa namin ang nasabing mga nakaka-miss na pangalan , logo at marka na tumatak sa aming isipan:

CINDYS - hindi ko makakalimutan ang fastfood chain na ito dati  sa Cubao dahil dito may nanglibre sa aking isang matandang  bakla when I was just a small sweet sixteen boy he he . Aba't nabighani yata sa aking taglay na kagandahan , choz ,  ang bakla at inilibre ako sa fastfood na ito ng hamburger , spaghetti at softdrinks . After daw namin ay manonood kami ng sine . At dahil alam ko na ang kaniyang hidden agenda sa aking bubot na katawan , choz ,  nang magpaalam siyang magsi -CR saglit ay dagli na akong lumabas at umiskyerda ng tindahan at umuwi at hindi na muling nagpakita  sa kaniya ha ha ha  . Sabi nga " when you're hungry , Cindys is the place to be "



JONIS - nasaan na nga kaya ang dati ay dinudumog na bakery at cakehouse na ito ? Anong nangyari ? Napataob ng Goldilocks at Red Ribbon ? Hmmm , miss those Jonis Cakes and Pastries that I crave back then .



TEXAS - at ito naman , dati madalas din kaming kumain dito . Masarap naman kasi at mura pa ang mga meals nila . What happened ? Click naman siya sa masa nuon eh di ba . Ang dami ngang tao kapag nagi-eat galore kami dito.


SANDOSENANG HALO - nagtrabaho ako dito for 6 months contract bilang isang service crew sa branch nila sa SM Foodcourt sa Cubao . At saksi ako nuon sa napakahabang pila dito ng mga tao para makabili lamang ng isang baso ng Halo Halo na may labindalawang sangkap lalo na kung summer. Digman din ang dating pangalan nito . Ngayon tila ba kasabay na naglaho ng init sa taglamig ang kanilang mga tindahan .



SYVEL'S - isang department store na marami ding branch sa buong Kamaynilaan nuon . Nang wala pang SM , ito ang takbuhan ng mga mamimili para sa kanilang mga shopping needs . Sabi nga " no other but Syvel's "

ZENCO FOOTSTEP -eto ang pabilihan ko nuon kay Mother kapag kailangan ko na ng bagong sapatos na pampasok sa eskwela . Sa pagsibol ng malalaking Sapatusan ni Mang Henry , kasay na naupod ang takong at swelas ng tindahang ito . 


COD - hindi ko malilimutan ang department store na ito sa Cubao . Kapag nalalapit na ang Kapaskuhan , siguradong nandiyan kami sa tapat ng building facade nila at nanunuod ng palabas nila . Miss those days . Daming tao nuon kapag may show na sila . At karamihan ay mga batang tulad namin na manghang mangha  sa kakaibang palabas na kanilang ipinapakita .


PLAZA FAIR and  FAIRMART  - ito rin ay isa sa paboritong department store nuon dahil mura ang mga bilihin dito . Subalit kasabay ng pag-usbong ng sangkatutak na mga malls ay nagsara na rin ang mga pamilihang ito .







GIACOMINOS - nagtrabaho din ako dito sa pizza company na ito for several months  . Patok ang negosyong ito dahil actual ang paggawa namin at pagmasa nuon ng mga order na pizzas . Bake as you order ang drama ng pizza chain na ito nuon . Sukat at nawala din agad ang negosyong ito after several years of existence .



CONEY ISLAND ICE CREAM - " I scream for Coney Island Ice Cream " ang natatandaan kong slogan ng ice cream parlor na ito .  I believe , imported ito from the USA . Ngunit mistulang hindi yata nag-swak ang lasa nito para sa mga Filipino.



DOMINOS - isa ring business import from USA . Pero hindi yata pumatok ang taste nito sa mga pihikang Filipino tongue kaya hindi nag - click .



MAGNOLIA - dati ay lagi pang may Flavor Of  The Month ang ice cream brand na ito . Buwan buwan ay iba ang flavors nila . Subalit ngayon ay wala na at tila lumipat na ang concentration nila sa ibang products like cold cuts and chickens . Pati ang dating malaking Magnolia House nila diyan sa Aurora Boulevard sa Gilmore ay tuluyan nang nagsara at ngayon ay tinatayuan  na ng Robinsons Mall .



UNIWIDE SALES - dati ay ito ang hari ng mga groceries and supermarkets bago pa nauso ang mga membership stores like Puregold , Shopwise , Savemore , Makro at marami pang iba na nagsipaggayahan na . Ang branch nga nila dati diyan sa Cubao ay numero unong destinasyon ng mga shoppers and businessmen and bargain hunters  alike . Bukod sa mura ay may quality ang kanilang mga kalakal. Nang masunog ang kanilang sangay sa Cubao at sa Marcos Hi-way ay unti - unti na ring nagsara ang iba pa nilang mga branches . May mall pa nga sila nuon diyan sa Coastal Road sa Roxas Boulevard na nagsara na rin ngayon .  Tila Super 8 na yata ang bagong name nito ngayon .



QUEENS SUPERMARKET - kung Uniwide ang hari ng mga supermarkets , ito naman ang reyna nuon . Basta sinabing grocery needs  ay  ito ang unang tatatak sa isipan namin nuon . Subalit nang masunog ang branch nila sa Cubao ay tuluyan na din itong naabo .



KISS - ito yung foodcart ng mga kinds of balls like fishball , kikiam , squidball , chicken ball atbp. Bawat kanto nuon ay merong franchise nito . Ngayon ay tila nag kiss and say goodbye na ang business idea na ito .



VIDEO CITY - naglaho na rin ang video rental shop na ito mula sa kamalayan ng mga tao . Nang mauso ang opticla media piracy in DVD , VCD , Blu Ray discs atbp ay kasabay na rin itong naglaho. Kung tutuusin kasi ay bakit ka nga naman aarkila ng isang piraso ng title sa halagang 15.00 hanggang 20.00 kung pwede mo naman itong mabili sa ganun ding presyo . Wala pang hassle sa pagsosoli na karaniwan ay overnight lang . Ang ACA Video na kasabayan din nito nuon ay naglaho na ring parang bula .



MERCED DRUGSTORE AND BAKESHOP - tila naglaho na rin ang kinang ng botikang ito kasama ng kanilang bakeshop dahil sa pagtakbo ni Mercury .



GOODWILL BOOKSTORE - dati ay ito ang primera klaseng puntahan ng mga book lovers dito sa Pilipinas . Ngunit tila naunahan na siya ng sister company na National Bookstore . Ngayon ay concentrated na lang yata sila sa pagiging supplier at wholesaler ng ilang mga libro nila . Tila nawala na rin yata sa sirkulasyon ang mga booktore na Alemar's at Miranda ah .



MGA LUMANG SINEHAN - at siyempre ay ang pagkawala ng libong stand-alone theater or cinema house sa buong bansa . Dati ay laging blockbuster ang pila sa mga sinehang ito katulad ng Roben , Cinema 21 , Coronet , Diamond , New Frontier , Times , Podmon , Vista , Remar at marami pang iba sa Kamaynilaan. Ngayon ay concentrated na  lang sila sa loob ng mga malls . At abot-langit na ang presyo ng entrance ticket nila huh ! At wala nang orchestra , balcony at lodge sections . Meron na lang premiere at deluxe sections.



Iyan lang ang ilan sa mga kilala kong establishments na tila nawala na sa kamalayan ng mga konsyumer na Pilipino . Marami ang dahilan kaya nagsasara o nawawala ang isang negosyo . Puwedeng nalugi o nabangkarote , nagpalit ng ibang business ventures , nag-migrate na ang may-ari sa ibang bansa o puwede ring nakamatayan at hindi naipamana ng maayos ang pag-aalaga nito sa mga naiwan .

Businesses do come and go . Maraming negosyo ngayon ang nuon ay hindi natin naisip na papatok at sisikat gaya ng Siomai , Waffle , Shawarma , Pearl Shakes , Ice Crumble , Cellphones , Computer Shops , at iba't ibang mga unique business ideas na unti unting nagsusulputan . Dapat lang ay magaling kang mag-maintain ng mga bagong tricks and gimmicks and promos para lalong dumugin at tangkilikin ang iyong mga produkto.

Ang sabi nila  kapag tumagal ng 10 years ang iyong negosyo ay steady ang paglago nito , slowly but surely ikanga . Kapag naka-silver anniversary ka na ,  stable na ang business mo pero huwag kang maging kampante dahil baka biglang maagaw ng kakumpitensya ang iyong ideas , be watchful . At kapag umabot na ng golden anniversary ang iyong negosyo , matatag na ito at maaasahang tatayo basta huwag lamang mapapabayaan . At kapag nag-platinum or diamond anniversary na ito ay puwede ka nang makampante at magkuya-kuyakoy na lang dahil sigurado nang tatagal pa ng ilang henerasyon ang iyong negosyo.

Nami-miss ko din ang ilang mga business gimmicks na katulad ng salad bar ng Wendy's na nawala na. Nalugi yata sila dahil gumaling na ang mga Pinoy magpataas ng kanilang mga salad plates he he .

At nasaan na ang free softdrinks refill ng Burger King na blockbuster lalo na kapag tag-init ? Promo lang pala yun nung sila ay nagsisimula pa lang hmmmmppp.

Ako ay mayruon ding mallit na negosyo na aking pinapalago  . Maga-anniversary na ito sa February pero  wala pa sa kalahati ang ROI  ko  he he he .

But I'm very optimist na gaganda rin ang takbo nito after several months pa .

Okay lang yan basta huwag lang hahaluan ng monkey business he he he .

Have a good business day !

No comments:

Post a Comment