Thursday, November 10, 2011

Math 3 and YDT 3

At dahil na-ispluk ko na nga sa isang recent post ko na bumagsak ako dati sa dalawang subjects na Math 3 at YDT 3 kaya nakapag-summer ako nang di oras sa Roosevelt Lamuan nuong kasagsagan ng aking high school life , itutuloy ko na ang kabanata dahil alam kong highly anticipated n'yo nang malaman ang true to life confessions ko about the said unfortunate events , choz .

Tutal nabuklat na rin lang , heto na nga ang aking pangungumpisal Ate Charo .

Trulaloo Bulaloo , hate ko ang subject na Math . Hindi ako ipinanganak na magaling sa mga numbers at paborito ni Count Dracula na iyan . Ang alam ko lang bilangin ay ang mga boys na dumaan sa buhay ko , choz he he .

Nuong ako ay tumuntong ng 3rd year High School , knows naman ng lahat na ito ay para sa subject na Geometry which is all about shapes and sizes and angles and all those therefores and what ifs na eklavoo ang itinuturo sa subject na itechi .

Ang naging teacher ko sa subject na ito back in my _____________  ( insert the name of my school ) ay walang iba kundi si Mr . ___________ ( huwag na nating pangalanan dahil baka sumikat pa he he he )

Isa siyang berdaderong baklushi , pramis .

Bagamat ang sabi sabi nuon sa school campus ay may asawa daw siya at mga anak , halatang halata ang kaniyang pagka-bekiki dahil sa kaniyang mga kilos at mannerisms na sumisingaw sa buong campus . Amoy na amoy bagoong ang hitad .

At saka , sino ba namang lalaking teacher ang tatayo sa likod ng kaniyang estudyanteng lalaki at habang nagtatanong ng akung anik anik tungkol sa kaniyang subject ay hinihimas ang ulo at leeg nito hanggang sa bumaba sa dibdib at utong ng  student niya . At maya maya pa ay hinihimas na niya ang nipple ng student na nakikiliti naman dahil sa sensasyon na nararamdaman hi hi hi . Ngayon mo sabihing  lalaki siya  , hallerrr !

At dahil nga , nabanggit ko na nuon pa , sa ayaw ninyo at sa gusto na artistahin ako nuong ako ay isa pa lamang munting dalaginding , choz , isa din siguro ako sa mga pinagpapantasyahan ni Sir , eching !

Paano namang hindi ko malalaman eh sa tuwing makikita niya ako ay babatiin niya ako ng " ang guwapo naman ni ___________( insert real name ko ) at sabay kurot sa pisngi at himas sa aking batok . Hindi naman siguro feeling feeling ko lang iyon noh .

One day ay nag-announce si Sir out of the blue at hiningan kami ng tag-pipiso . Lahat daw ng mga students na under sa kaniya ay hihingan niya ng piso . At itong piso daw na ito ang magiging palatandaan kung ikaw ay bagsak sa subject niya o hindi .

Mega bigay naman kaming lahat kay Sir ng piso on that day . Aba at nakarami ang loka dahil maya maya pa ay tumataginting na ang bulsa ng mama sa bigat ng mga baryang ibinigay namin huh.

Lumipas ang mga araw , hangggang sa isang beses  na pumasok ako at may iniabot na piso ang aking isang kaklase.

Sabi ko  " ano ito ? "

Sagot niya " yung piso mo ipinababalik ni Sir sa iyo ."

" Eh bakit daw ? " balik tanong ko .

" Bagsak ka daw sa kaniya . Puntahan mo daw siya sa cubicle niya mamaya at mag- usap kayo " 

Takang taka ako dahil wala naman akong alam na atraso sa kaniya para ako ay ibagsak . Bagamat aminado akong may times na hindi ako nakakapasok sa kaniya ay minsan lang iyon at hindi naman madalas .

But innocently ay pumunta pa rin ako sa kaniyang cubicle that day para siya ay kausapin .

Mag-isa lang siya sa loob .

" Sir kakausapin n'yo daw po ako " pasakalye ko .

" Ah ikaw pala ___________ ( insert real name ko ulit ) , upo ka at mag -usap muna tayo "

" Sir bakit n'yo po ibinalik yung piso ko " sabat ko .

" Oo nga , kasi palagi  kang absent  . Madalas kang wala sa klase ko at nagka-cutting  kaya hayan at ibinalik ko ang piso mo . Usapan natin di ba na kapag ibinalik ko  ang piso , bagsak !"

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Nai-imagine ko na kung papaano magagalit nito sa akin si Father at ibabalibag ang aming tokador  sa aking murang katawan , choz .

" Sir hindi naman po ah . Minsan lang po ako umabsent at hindi naman po palagi . " pangangatwiran ko.

" Oh buweno huwag kang mag-alala dahil   may paraan naman para makabawi ka at puwede ka pa ring pumasa kung gusto mo ."

" Ano po iyon Sir ? "

" Pag-usapan natin iyan sa bahay sa Linggo . Pumunta ka dito sa gate ng school sa Sunday at susunduin kita ng kotse ko at pupunta tayo sa bahay . Duon tayo mag-uusap . "

" Ah ganun po ba . Sige po , pupunta po ako " pangako ko .

" Anong oras po ba ? "

" Mga alas tres ng hapon dapat dito ka na. Hihintayin kita ha ."

" Okay po sir , pupunta po ako " paniniyak ko pa .

At nilisan ko na ang nasabing cubicle never to set foot again  for the rest of my remaining school days there .

Of course , kahit na ganuon ako ka-inosente nuon ay knows ko na kung anong gustong mangyari ni Sir davah.

Hindi naman ako ipinanganak kahapon .

At may mga nagsabi rin sa akin na ganuon daw talaga ang  style ni Sir kapag may kursonada  siyang mga estudyante niya .

Ibabagsak , tapos ay papupuntahin sa bahay at duon ay mag-iinuman at kapag lasing na ay saka may mangyayaring hindi kanais-nais .

Straight from the horses mouth ang chikang iyan .

At dahil ayaw kong mabahiran  ng kahalayan , choz , ang aking birheng pagkatao nuon , choz ulit , hindi na ako nagpakita pa kay Sir simula nuon at mas pinili ko na lang na bumagsak sa subject niya .

Kaya ang ending , ibinalibag nga ni Father dear ang buong estante sa katawan ko nung malaman niyang bumagsak nga ako sa Math subject ni Sir , eching  he he he .

And that's what truly transpired kaya lagapak to the lowest level ang lolah n'yo sa Math 3 . Clear na ba huh ?

Tungkol naman sa YDT 3 kung bakit ako lumagapak din ay simple lang naman ang The Reason.

Ito ay dahil sa hindi ako mahilig sa Sports at P. E . noh .

Dahil nga berdaderong bakla ang lolah n'yo at karaniwan sa activity sa YDT 3 ay physical like basketball at martial arts na hindi type i-master ng lolah n'yo kaya di rin ako talaga uma-attend dito sa subjetc na ito ng terror ding si Mrs. Reyes naman . Mas gusto ko pang mag bahay-bahayan ( ako ang nanay ) , piko , step no , step yes , Chinese garter , pick-up sticks , jackstone at gumupit ng mga laruang papel na manika kesa mag P.E. sa gitna ng araw huh .

Kaya hayun , lagapak din ang beauty ko dito . As simple as that , no need to explain further .

And the rest is history na nga.

Tunay na masalimuot like a David Bowie's Labyrinth ang aking High School Life kaya naman di ko malilimutan ang phase na ito ng aking buhay . Very memorable and unforgettable ang mga experiences ko during those younger and immature days ko ( aba at ang-mature ka na ba ngayon huh?).

Mismong si Sharon Cuneta na nga ang nagsabi na  :

" Ang saya ng high school several years in high school
di na mapapantayan
tiyak ganyan ang buhay na sadyang makulay
alaala kailan man. "

Kaya naman I will always cherish my High School days until forever .

Yun lang !

3 comments:

  1. Hahay! Grabe may mga ganyan talagang teacher na beks lalo na sa high school! mahihilig sa twinks tsktsk.

    ReplyDelete
  2. @ green : true ka Joe , marami hanggang ngayon ... buti na lang at di ako nabiktima nuon , pero muntik na he he ... thanks ...

    ReplyDelete
  3. Sabi nung teacher mong bading, "Buti nlang kundi nalason akho sa melditang yan"!

    ReplyDelete