Saturday, November 5, 2011

Kinatay

Ngayon ko lang napanuod sa DVD ang obra ni Direk Brillante Mendoza na Kinatay na nanalo sa kategoryang Prix de la Mise en Scene - Best Director sa 62nd Cannes Film Festival taong 2009.

Very impressive nga  ang pelikula.

Istorya ito ng isang  batang ama na criminology student na si Pepoy ( Coco Martin ) at napasabak sa isang actual chop chop operation sa isang babaeng bar owner na si Madonna ( Maria Isabel Lopez ) dahil sa hindi pagkakabayad sa mga utang niya sa isang sindikato.

Para ka lang nanunuod ng isang dokumentrayo kung saan idinidetalye kung paanong humantong sa pagchop - chop sa kaniyang  katawan ang kaawa-awang babae na buong husay  na ginampanan ni Maria Isabel Lopez .



Believable and credible ang acting na ipinamalas ng mga pangunahing gumanap lalo na ng bidang si Coco Martin at ng  mga suporta na sina John Regala bilang isang malupit na hired killer ng grupo na si Sarge  , Julio Diaz bilang lider ng nasabing grupo na si Vic  , Mercedes Cabral bilang isang mabait at maasikasong asawa ni Pepoy na si Cecille at Jhong Hilario bilang si Abyong na siyang kaibigan at nag-introduce ng operasyong ito kay Pepoy  .

Para ka lang nanunuod ng isang aktwal na pagkatay sa isang tao at pagkatapos ay ikakalat lamang ito sa mga lansangan ng Metro Manila .

Kinabukasan , pagkatapos ng operasyon ay balik sila sa normal na buhay na parang walang nangyari at tila ba normal lamang ang mga kaganapan nuong gabing iyon .

Kikilabutan ka lalo na sa eksena kung saan ay unti unti nang tinatapyas ang mga piraso ng katawan ng babaeng si Madonna na parang baboy at hindi mo gugustuhing nanduon ka sa lugar ng krimen dahil sa sobrang pagka- brutal nito.

Panalong panalo ang cinematography , dialogue , lighting , casting at production design na napakasimple lamang pero nakakapangilabot ang hatid na kilabot sa iyong sensasyon .

 Tunay nga na karapat dapat ito sa karangalang nakamit at tunay na maipagmamalaki ng lahing Pilipino sa buong mundo .


To  Direk Brillante Mendoza and the whole casts , saludo ang  sambayanan sa inyo !

No comments:

Post a Comment