TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, November 29, 2011

Jollibee Paper Bag

Aba at mukhang nag -switch na mula sa dating plastic bag ang number 1 fastfood chain in the Philippines na Jollibee para sa kanilang mga lalagyan .



Maganda  ang adhikaing ito ng Jollibee but then of course like everything else , it has its own pros and cons .

Non - biodegradable kasi ang mga plastics o hindi natutunaw  kahit ilang libong taon mo nang ibaon sa lupa kaya naman talagang banta  ito sa ating environment . Ngunit sa kabilang banda ay matibay at maaasahan naman ang mga plastic bilang lagayan ng kahit anong mga abubot o gamit .

Sa kabilang banda naman ay biodegradable o nalulusaw ang mga papel kaya environmentally friendly ito. Ang cons lang ay madaling masira o mabutas at mawarat ang mga papel lalo na kapag nilagyan mo ng mga mabibigat na gamit at lalo na kapag nabasa kaya hindi advisable para sa mga heavy and hard things .

At kung susuriin mong mabuti , hindi naman talaga 100 percent environmentally - friendly ang paggamit ng mga  papel eh . Bakit ?

Eh saan ba galing ang papel , di ba sa mga kahoy ?


So kung ilang rolyong papel ang kailangan mong i - produce  ay imaginin mo kung ilang libong puno ang kailangan mo ring itumba para magawang papel o karton ?

Ang maganda sana ay i -recycle ang mga papel na ito para hindi na kailangang magtumba ng mga puno para sa pangangailangang ito  .

Dapat yes to recycled paper but no to  paper who are produced directly from trees !

Dapat malinaw ang panuntunang iyan ng mga People who Loves Papers o PLP !

Kaya , no to plastics , yes to recycled paper .

Kaya naman :

4 comments:

  1. Good work Jollibee, environmental friendly na kau, sana tularanan ng iba.

    ReplyDelete
  2. tama ka...sa punong kahoy din nanggagaling ang mga papel...pero kailangan timbangin kung saan ang mas makakabuti sa atin..

    Jollibee pala number 1 sa buong pinas? akala ko ang karenderya ni aling Betty...hehe..namiss ko lang suki kong karenderya.

    ReplyDelete
  3. wow naman,,, yes i agree with you "no to plastics , yes to recycled paper ." dapat lanag yna, para sa ating kalikasan din naman,, at sa atin....

    ReplyDelete
  4. @Mommy Razz , thank ypu po for always visiting and commenting he he ... ingatz po lage ...
    @Akoni ... yes Jollibee na ang number 1 , sa ayaw natin at sa gusto he he
    @ Jessica ... agree po tayong lahat sa walang plastik at mapapel sa ating bansa ... ang motto dapat natin ay reuse and recycle ...

    ReplyDelete