Friday, November 4, 2011

I survived the NBI

I have to get an NBI Clearance para sa isang project na kailangan kong tapusin for this coming Christmas Season starting November .

Isa sa mga requirements kasi ang NBI Clearance para makapasok sa project .

Pumunta ako ng 4 in the afternoon sa branch nila sa Robinsons Metro East sa Marcos Hi-way only to be told by the guard na cut-off na ang pila dahil hanggang 500 lang daw ang applicants na kaya nilang
i-accommodate daily . Bumalik na lang daw ako kinabukasan nang maagang-maaga like  4:00 AM para makaabot ako sa pila dahil masyado daw maraming taong kumukuha nitong papeles na ito  .

Gone are the days  na kahit  4:30 na ng hapon ako pumunta sa NBI ay nakakakuha pa rin ako ng  dokumentong ito dahil sa bilis ng processing nila for renewal . Ngayon wa-epek na ang renew-renew sa kanila dahil sa pagpapalit nila mula sa lumang system daw .

Heeding to what the guard had told me , I set the alarm clock to get up early at 3 in the  morning .

 
Maaga akong  natulog that night para maaga ding magising . Early to bed , early to rise , makes a gay healthy wealthy and wise , choz !

Pagtunog ng 3 AM ng aking alarm ay dagli na akong bumangon .

At dahil too early pa naman at wala pa  akong nadidinig na tilaok ng Manok ni San Pedro , nag-surf at tide  muna ako sa internet para mag-update sa aking Facebook , Hotmail , Twitter at Blogger account . Read na rin ako ng mga online news like sa Abante-Tonite at Libre . 


Hindi ko namalayang nakaka  usang oras na pala ako sa kaka-Surfin' USA ko kaya at 4 AM ay stop na ako ng pagba-browse .

Diretso na ako sa kusina at nagtimpla ng Sweet N ' Mild Nescafe Coffee para " umaga ay walang pait " . At bumili ako ng isang balot ng buns na papalamanan ko ng my Tiya Lily's homemade peanut butter , sarrraappp!


Habang ngumangata me at dumidikit ang pustiso ko sa buns with peanut butter na aking nginunguya , at last ay narinig kong tumilaok na ang mga Chickenjoy ni Father. ( Late kayo sa duties and responsibilities n'yo ha , iaawas ko iyan sa patuka n'yo huh , mga pasaway na manok , gawin ko kaya kayong Andok's )

At habang lumalantak pa rin ako ( kanina pa ah , di pa rin tapos , ang takaw mo huh ! ) ay nagpainit muna ako ng tubig dahil hindi ko kaya ang frozen water na pumapatak sa gripo ng MWSS dito sa Antipolo City .  Super lamig na kasi dito lalo na kapag gabi , grrrrrrr.


Nang kumulo na ang tubig at nagsimula nang mag-whistle ang aming magic takure , isinalin ko na ito sa timba at nagbuhos na me . Whew , lamig pa rin ng ice tubig kahit na may halo nang hot water .

After almost an hour nang pag-aayos at pagpapaganda  ( naks ) , at exactly 5 AM ay ready na meng pumak-ap at naghihintay na ng masasakyan sa kalsada .

Maaga pa at walang masyadong pasahero kaya madali lang akong nakasakay . Karamihan ay mga estudyante ang pasahero kapag ganitong madaling-araw pa lamang kaya naman mga bagets ang kasabay ko sa jeep na aking pinara .

Exactly 5 : 30 ay nakarating na ako sa aking destinasyon which is Robinsons Metro East in Pasig City . Sa pagtatanong ko sa manong guard kung saan ako papasok para kumuha ng NBI , itinuro niya sa akin ang stairway to heaven  para akyatin . At ang NBI daw ay nasa 5th floor pa daw huh . ( Hindi mo sinabing pag-eexercisin mo pala ako , eh di sana nakapagbaon ako ng jogging pants at sweatshirts para dito anoh )

Hingal kabayo ang lolah n'yo pagdating sa tuktok , este , 5th floor lang pala  . Akala ko kasi sa taas nang inakyat ko ay nakarating na ako ng langit at imi-meet ko na si San Lazaro he he he . Lawit dila talaga me  to the maximum level . Para lang akong wakwak sa haba ng dila ko.

At pagbungad ko sa bukana ng pila ay ito ang tumambad sa akin na eksena .


Owmaygash , pila yata ito ng laban ni Manny Pacquiao o sa takilya ng pelikulang My Other Woman huh !

Pero hindi ako nagkakamali at binabangungot , pila ito ng mga kukuha ng NBI Clearance .

At walang galawan huh .

Parang gusto ko nang mag-back-out / walk - out / umuwi na lang at muling humimlay sa aking kama para ituloy ang honeymoon namin ni ______ sa aking panaginip hu hu hu .

Pero hindi , itutuloy ko na ito , tutal nandito na rin naman ako . No guts , no glory daw sabi nila .

At wala na akong nagawa kundi ang makisabay sa tugtog ng Ang Huling El Bimbo ni Kuracha .

At lumupasay na lang ako sa bangketa at nag-isip nang magagawa bilang pamatay-oras .

Sa tantiya ko ay nasa pang 200 na ako na nakapila nung oras na iyon .

Putsa , mahaba-habang antayan pa ito ah.

At ang sabi , alas otso pa daw magbubukas ang mall para pagbigyan ang mga aplikanteng kukuha ng dokumentong ito .

Eh anong oras pa lang . Alas sais ng umaga . Ibig sabihin dalawang oras pa akong maghihintay ?

Nag-isip na ako ng mga mapaglilibangan for two hours na magi-stay ako sa bullshit na pilang ito . Ako na ang mainit ang ulo huh !

Una , boywatching.

Luminga linga ako sa paligid at naghanap nang mga BY at cute looking boys para mapagtripan he he . Hmmmm , at may mga na-sight naman ang lolah n'yo , isa , dalawa, tatlo , apat ... hangdami lang cute na mga lulurki . Busog na ang mata ko sa katititi(g) he he he .

Pero after ilang minutes pa lang ay nalanta na ang aking powers dahil hanggang tingin lang naman ako sa kanila , dedma naman sila sa pa-charming ko hu hu hu . Walang keber ang mga  otoko bagama't may mga sumusulyap ng panaka-naka  dahil na-sight nila na nagpapaypay me ng bulaklakin na abaniko sa harap nila . Sa loob-loob siguro nila ay " ano ba naman ang mamang ito at ang laki naman ng katawan pero kung makapamaypay  ay daig pa si Donya Delilah kung makahagibis ng hangin " . Sa naiinitan ako eh paki ba nila . Hindi kasi ako sanay sa hindi aircon noh , charing !

At dahil wala namang pumapansin sa beauty ko , naisipan kong kunin na lang ang aking cellphone at  mag-internet dahil may wi-fi connection naman siya .Pero puta , walang signal sa parking lot na iyon . Patay pa yata ang wi-fi ng Robinsons sa mga oras na iyon . Kaya no no na ang free internet .

Sinubukan kong mag TV dahil may free TV naman ang aking cellphone . ( Oo na , Cherry Mobile ang cel ko kaya may TV ha ha ha ) pero lowbat na ang cellular ko kaya hindi na pwede ang manuod dito .

Turn-on ko na lang ang radyo para makinig ng music . Enjoy rin for a few minutes dahil sa mga kakikayan sa Yes FM , automatic yan .

After a few minutes , nagsawa na rin ang eardrum  ko sa kapapakinig kaya naisipan kong bumaba at bumili ng dyaryong mababasa na lang .At dahil nabasa ko na online ang Abante-Tonite , hetong dalawa na lang ang pinili ko .


 Nagulat lang me much sa nasa loob dahil di ko akalaing puro kahalayan at kalaswaan pala ang mga laman nito hi hi hi .

At natapos ko na ang pagbabasa ng salaulang diyaryong ito from front cover to back cover and back , naluray na ang mga dyaryo sa kapapaypay ko , at halos mawarat na sa paghiram din ng ibang mga nakapila na gustong makibasa , hindi pa rin kami pinapapasok ni manong guard sa loob .

15 minutes before mag - 8 AM , lumabas na si manong guard at namigay ng number sa mga nakapila . Heto ang number ko .



Muntik pa akong maabutan  ng cut-off dahil 250 lang daw ang i-aaccommodate that day . Biro mo 249 ! Isa na lang at itsa pwera na naman ako sa pila .Buti na lang at hindi pa rin ako sobrang malas !

Eksakto 8:00, isa isa na kaming pinapasok sa loob . Tuloy tuloy naman ang pagpasok namin . Pero pagdating sa loob ay hindi pa rin pala agad-agad maisasalang dahil sa dami nang nauuna sa akin . Kaya pila pa rin nang walang hanggan.

Hintay-hintay pa rin hanggang matapos ang kailanman !

Pausod naman nang pausod ang pila paunti  - unti . Inot inot ikanga.

At dahil wala na akong mabasang diyaryo , at di naman ako makapag-internet kahit na open na ang wi-fi sa loob , tsinika ko na lang ang aking kasunod sa pila na si Mary Anne Cayubit . O debah naman at nagkaruon pa ako ng instant friend at ka-bondingan . Aba at sa murang edad na 18 ay civil engineer na ang bruha at  may papasukan na agad na trabaho kahit na newly graduate pa lang . Bilib din naman aketch at super mega PR naman siya kaya close agad kami he he .

Ilang usad-usad suso at pagong pa ay matatapos din kami . Pero pagtingin ko sa relo ko ay alas-onse na pala ng umaga , hayzzz.

At dahil walang magawa , pekpekture muna para may ebidensyang galing nga ako dito sa NBI .


A few hours more at exactly 12 highnoon , heto na at tila nababanaag ko na ang pag-asa . Malapit na , I saw a land towering above the horizon , choz  .


And at last , mga 12: 30 ay umaariba na ako sa pag-sesecure ng document na ito. Madali lang naman ang process actually kapag nandun ka na. Ni hindi pa nga inabot ng 20 minutes ay tapos na ako .

Una ang PAYMENT siyempre . Pagkabayad mo , diretso ka na sa ENCODING at ita-transfer sa computer ang mga information na ibinigay mo . And then BIOMETRICS , kung saan ay ika -capture ang picture mo at i-scan ang iyong fingerprint ( at least hindi na ma-grasa katulad dati na super dumi sa kuko , ewwww ). Tapos nun , RELEASING na . Natapos din sa wakas . Heto na ang finish product ng aking NBI Clearance.

 

Siyempre NO DEROGATORY RECORDS noh at clean na clean ang name ko in any criminal liability huh . Baka sa susunod na lang ang krimen na gagawin ko , choz , huwag naman po sana he he he !

Hayy naku , pahirapan ang pagkuha ng NBI Clearance ngayon na parang ginto . Kaya nga ang bagong kasabihan ay NBI is gold dabah .

At nang tinanong ko ang officer kung hanggang kailan pa ang sufferings na dinaranas ngayon ng milyon milyong Pilipino sa pagkuha ng NBI , ay isang malaking EWAN lang ang sagot niya . Hindi pa daw niya masabi dahil talagang bago pa ang sistema na kanilang kinakabisado pa sa ngayon.

In the meantime ay tiis-tiis muna tayong mga Pinoy . Ganyan naman talaga eh . Matiisin tayo lagi .

At dahil diyan , may bagong meaning na ako para sa acronym na NBI :

N - Nakakabuwisit sa
B - Bagal ng sistema sa
I  - Institusyong ito

NBI , bow !

No comments:

Post a Comment