TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, November 16, 2011

Dextroscoliosis

Dahil nga papasok ako sa isang project ay kinailangan  kong magpa-medical at X-Ray .

At nang makuha ko na ang resulta ng aking X-ray ay hindi na ako nagulat .

Matagal ko nang alam na mayruon akong dextroscoliosis ( hindi ito TB lokah )

Ito yung curvature of the spine to the right .


Opo , bumabaliko ang aking spine patungo sa kanan .

Mild lang naman at  hindi naman severe .

At ayon sa medic na tumingin sa akin ay fit to work naman daw ako as long as hindi naman ito nakakaapekto sa aking pagtatrabaho as a call center agent kaya pasok pa rin ako sa banga.

Matagal na akong na-diagnose na mayruong dextroscoliosis .

Ayon sa pag -aaral , karaniwang nakukuha ito sa hindi balanseng pagbubuhat ng mga gamit lalo na kung madalas ay nasa kanan ang pagbubuhat na ginagawa .

Tunay nga dahil , nuong aking kabataan , kung saan ay wala pa kaming sariling gripo ay kinakailangan naming mag-igib ng tubig para sa pang-araw araw mula sa isang poso .Marahil ay dito ko nakuha ang sakit na ito .

Madalas din ako nuong magdala ng backpack at magbuhat ng mga gamit at inilalagay ko sa aking kanang balikat  .

Dapat daw pala ay balanse tayo kung magbuhat , isa sa kaliwa at isa sa kanan para hindi ma-puwersa ang ating kalansay na bumaliko either sa kaliwa or sa kanan.

Nakaka-apekto rin ito lalo na kapag matagal akong nakaupo at ramdam kong sumasakit ang aking likod at minsan din ay nahihirapan akong huminga.

Sabi ng mediko ay kinakailangan lamang ang tamang posture para ito malunasan . Sa mas malalang kalagayan ay kailangan daw ng operasyon lalo na kung malala na ang pagkaka-baliko nito .

Sa ngayon ay okay pa naman at nama-manage ko pa rin ang karamdamang ito .

Sana lang ay hindi siya maging worst o lumala pa ang pagka-baliko nang sa ganun ay magawa ko pa ring makapagsulat ng mas marami at mas matagal sa harap ng isang computer.

Oh well , still I thank God because mas malalang sakit pa nga ang nararanasan ng ibang tao kesa sa akin .

All is well and all is right!

Amen !

3 comments:

  1. Pareho tayong may dextroscoliosis. Mild lang din yung sa akin pero twice na akong nag-undergo ng physical therapy lalo na kapag sobrang sakit.

    Oh well, ang buhay nga naman...

    ReplyDelete
  2. Oh Mel ... pareho pala tayong meron nito ... kambal nga tayo he he he ... thank God dahil di naman severr yung sa atin , so manageable pa rin ... salamat talaga... we're still healthy ...

    ReplyDelete
  3. Proof yan ng kabaluktutan mu! Wahihihihihi. Mula pa noon hanggang ngayon d ka STRAIGHT...Ipinanganak kang Ba____!

    ReplyDelete