Monday, November 7, 2011

Blind items

Mag blind item naman tayo para maiba . Courtesy of my ibong tiririt na magaling humagap ng tsika tsika inside showbusiness   :

Blind Item # 1 - isang magaling at beteranang aktres ang kumpirmado nang magiging Kapatid by January 2012 .Ayaw pang ipaalam at ipapress-release ng nasabing aktres ang nasabing lipatan issue dahil sa existing contract niya sa isang leading network . But once na mag - expire na ito , sigurado nang lilipad na siya papuntang Novaliches . Clue : may " bituin " sa titulo niya .

Blind Item # 2 - it's confirmed , break na nga sina __________ at _____________.  Matagal na . Ayaw pa   munang ipaalam sa publiko dahil baka daw makaapekto sa kani-kaniyang career ( meron pa ba ? ) Sabi ko na nga ba eh . Tila nga maraming " skeletons in the closet " na   kailangan pang ilabas itong si  ____________ . Clue : related ito sa ating blind item #  1

Blind Item # 3 - Isa pang amoy kalansahan . Hindi nga maitatatwa , berde ang dugong dumadaloy sa ugat ng beteranong aktor na ito . May nakakita daw sa kaniya na mayruong katabi sa swimming pool na kapwa niya naliligo at very sweet sa isa't isa . Diumano ay " beybi " niya ang nasabing kasama " . Note : parehong lalaki po itong dalawa huh . Clue : " Excuse Me "

Iyan lang po muna . Next time naman at mukhang marami pang itsitsika ang aking friend na isang ibong maya , pipit at kalapati all in one he he he .

Enjoy guessing !

No comments:

Post a Comment