TRAVELBOOK NOW!

Monday, November 28, 2011

Ang Ganda Mo

May computer shop ang aking kapatid dito sa Antipolo.

At paminsan minsang naaatasan akong magbantay sa shop na ito , lagi kong napakikinggan at walang mintis na pinapatugtog at pinapanuod ng mga bagets na nagri-rent dito ang kantang ito.

Lagi lagi at hindi pumapalya na may nagpapatugtog ng kantang ito kaya naman nasanay na akong marinig  ito sa tuwing mapapadako ako sa shop ni utol.

At nang minsang siyasatin ko kung ano ang liriko ng awiting ito , ako ay nabigla.

Sobra palang bulgar at bastos ng rap lyrics ng kantang ito.

Ito ay ang kantang Ang Ganda Mo ng Cue C .

Pero ang mga bagets , mapababae o mapalalaki man , enjoy na enjoy ang mga loko sa pakikinig.

Aba , ganito na talaga ang mga kabataan ngayon . Hindi na sila nag-aalinlangan sa mga ganitong klaseng awitin .Para sa kanila ay normal lamang ito . At parte ng kanilang paglilibang.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung hindi lang mga bastos at bulgar na lyrics ang nalalaman nila.

Siyempre , pati mga bastos na kangkangan sa video at internet ay may access na sila , davah.

Pero hindi ko naman sila masaway . Eh kasi nagbabayad naman sila para mag-rent .

So , naki- jamming na lang ako.

Ako na , ako na ang BI ha ha ha.

Heto ang video at nang malaman ninyo ang lyrics:


3 comments:

  1. sobra naman ata yan.. nakakloka! haha

    ReplyDelete
  2. Off topic sir:

    May contact ka pa ba sa mga tabloids? May idea ka ba what's happening sa Toro?

    Thanks!

    ReplyDelete
  3. @Mugen , sorry pero wala akong balita sa Toro eh ... at wala akong kontak dun eh ... thanks ...

    ReplyDelete