TRAVELBOOK NOW!

Friday, November 25, 2011

2011 Southeast Asian Games


Kalunos-lunos at kahindik-hindik naman ang sinapit ng Pilipinas sa katatapos na 26th SEAGames na ginanap  sa Jakarta , Indonesia kung saan ay pumang-anim lamang tayo sa overall final standing ng medal tally .

Aba'y tinalo pa tayo ng Vietnam at Singapore na dati ay kulelat sa mga medal standing .

 Number one siyempre ang host country na Indonesia.

Gone are the days na tayo ang nangunguna  kung hindi man ay pangalawa o pangatlo tayo  nuong  dekada 70 hanggang 80 .

Subalit ngayon ay nakakaawa dahil pang-anim na lamang tayo . Huwag naman sana dumating ang araw na talunin pa tayo ng bansang Timor-Leste , na isang maliit at bagong sibol na bansa , pagdating sa medal standing.

At mukhang matagal na rin na hindi na tayo ang naghu-host ng Southeast Asian Games at ang last nating hosting ay nuong 2005 pa .

Ano kaya ang nangyayari sa ating Philippine sports at mukhang pabagsak nang pabagsak.

Hindi naman natin masisisi ang ating mga atleta dahil alam kong ibinigay din nila ang  kanilang best sa kampanyang ito ng Pilipinas.

Subalit dahil sa kulang at liit ng budget at suporta na nakukuha ng ating mga atleta mula sa gobyerno , hindi kataka-takang nalulugmok na rin ang ating bansa sa larangan ng palakasan.

Nasaan na ba ang mga dating nangungunang atletang Pinoy na dati ay bumabandera sa buong rehiyon katulad nina Lydia De Vega, Elma Muros , Eric Buhain , Bea Lucero  at marami pang iba.

Buti na lang at nandiyan pa si Manny Pacquiao na ating number one export para sa boxing.

Sa 2013 pa ang susunod na SEAG na gaganapin sa Naypyidaw, Myanmar .



Sana naman by that time ay medyo umabante na ang ating rating pagdating sa medal tally .

Here's one hoping against hope.

2 comments:

  1. tama, kulilat na tayo sa mga games ngyn.. sana maibalik soon ang galing ng mga pinoy..

    ReplyDelete
  2. Uyy Mommy Razz nadalaw kayo sa aking sangkareynahan he he ... sana nga po sana ...

    ReplyDelete