TRAVELBOOK NOW!

Saturday, October 15, 2011

Youtube video of SM Pampanga shooting incident

Very disturbing and alarming ang Youtube video ng shooting incident sa SM Pampanga involving two teenaged male lovers.

Kitang kita sa video na gumagalaw at buhay na buhay pa ang isa sa mga bagets na nabaril .

Subalit ang nakakabahala ay wala man lang tumulong sa mga taong nanduon mismo sa  pinangyarihan ng insidente .

Para lamang silang mga miron na nanunuod at nagmamatyag na tila ba naghihintay na lang  na matepok o madedo ang isa sa mga biktima na may buhay pa nuong mga oras na iyon.

In an emergency situation like this , mahalaga na alam mo kung ano ang agad - agarang lunas na maaari  mong gawin to save precious life . Kumpleto pa naman sila duon , dahil may mga pulis , guwardiya at marshalls na nasa eksena pero wala man lang silang ginawa para maampat man lang kahit ang pagdurugo ng isa sa mga biktima.

Sa aking palagay , kung naagapan lamang at nalunasan agad ang sugat na tinamo ng biktimang iyon  na gumagalaw pa ay naisalba marahil ang buhay nito.

Kitang kita  naman na humihingi ng saklolo ang biktima dahil nga iginagalaw niya ang kaniyang mga paa at tumihaya pa at pumatong sa bangkay ng kasama niya , senyales na nagpapahiwatig ito ng saklolo sa mga awtoridad na nasa paligid sa pamamagitan ng mga aksyon nito.

Subalit dedma lamang ang mga awtoridad.

Ang nakakabahala ay ang pahayag mismo ng pamunuan ng PNP na protocol daw sa isang crime scene na huwag gagalawin ang anumang injury na nasa SOC  area dahil maaari daw ma-aggravate o mas grumabe pa o lumala ang sugat ng mga injured kung hindi dalubhasa ang gagawa dito . Kailangan daw ay tumawag agad ng mediko o doktor para siyang unang magbigay ng first aid para sa mga nasaktan at nasugatan .

But in this case ay iba ang kaso dahil may buhay pa ang biktima !

Ang tanong tuloy ay ito : sa ganitong klase ng emergency situation ay ano ba ang mas mahalaga - protocol o ang buhay ng tao ?

Hayyy buhay .

Masakit ito para sa pamilya ng yumaong mga biktima knowing that their son could've live if not for the compromising and unflinching attitude of those authority who should've act more wisely and sensitively.

Here's the disturbing video :  SPG ( Strong Parental Guidance ) Bawal panuorin ng mga bata dahil sa sensitibong mga eksena .


No comments:

Post a Comment