Sunday, October 16, 2011

When Somebody Cares For You

Ahahaha , sa wakas at nahanap ko rin sa tulong ng World Wide Web ang lumang awiting ito na una kong napakinggan way back sa pelikula ng dating mainit na tambalang Romnick Sarmenta at Shreyl Cruz na may pamagat na   Puso Sa Puso taong 1988.



Mas na-inlove pa nga ako sa kanta kaysa kina Romnick at Sheryl he he he. ( In fairness , ang guwapo ni Romnick sa pelikulang ito huh )

Unang pakinig ko pa lang sa awiting ito ay na-inlove na agad ako sa kaniyang lyrics and haunting melody na humahagod sa puso . Tungkol sa pagmamahalan na kahit gaano kabigat ang buhay , When Somebody Cares For You , ay nagiging magaan lamang , davah naman.

At sa aking pagri-research ay napag-alaman kong una pala itong inawit ni Mike Curb  para sa pelikulang The Big Bounce nina Ryan O'Neal at Leigh Taylor-Young and directed by Alex March taong 1969.

Mayruong version nito sina Donny and Marie Osmond at pati na rin ang sariling atin na si Tirso Cruz III. ( ang cute ni Tirso sa video huh ) na pawang magaganda rin ang versions nila.

Heto ang mga video ng original song ni Mike Curb at revival nina Donny and Marie Osmond at Tirso Cruz III respectively :








No comments:

Post a Comment