Tuesday, October 18, 2011

Under My Umbrella ella ella ella


Dahil sa tuluyan na namang nawala ang aking black Fibrella umbrella , napilitan tuloy akong bumili na naman ng panibagong payong dala na rin ng mga walang tigil na pag -ulan nitong mga nakaraang araw.

Actually dalawang Fibrella brand na ang naiwawala ko in a span of two years lang.

Ilang beses na akong nawalan ng payong , either naiwan ko , ninakaw o sadyang hindi ko na namalayan kung saan ko nailagay kaya ang ending ay bili na naman ulit ako ng bagong payong.

Sa panahon pa naman ngayon na very unpredictable ang weather system natin na parang babae , hindi mo alam kung aaraw o uulan dala na rin ng pabagu - bagong klima dulot ng Global Warming , necessity na ang mag - invest wisely sa mga payong .

Either tag - ulan man iyan o tag - araw , maasahan mo talaga ang isang payong .

Isang mabuting kasangga at kaibigan ang isang payong kaya nga ginawan pa ito ng isang  awitin ni Rihanna na may titulong  Umbrella , kung saan inihalintulad niya ang ang kaniyang pagmamahal at pakikipagkaibigan na  iyong maaasahan sa anumang worst weather condition katulad ng sobrang init at sobrang patak ng ulan, literally and figuratively.

Kaya naman hindi na ako nagpatumpik - tumpik pa at mega sugod na ako agad sa bazaar at mega buy din ng mga necessary payong for me.

There is art in buying . Kailangang  alam mo ang bibilhin at pipiliin mo para hindi masayang ang investment na bibitawan para sa mga gamit mo.

Kaya naman tatlo ang napili ko na may  kani-kaniyang purpose base sa pangangailangan kung kailan at saan ko sila gagamitin .

First is the Peacock Umbrella . Proudly Filipino made . All weather proof ang payong na itech . Kulay blue o bughaw dahil ako ay may dugong maharlika , choz !

Two - fold para madaling itupi kapag kinakailangan. Matibay ang skeletal frame nito kaya hindi madaling matitiklop ng malalakas na hangin . May pangalan pa akong ibinigay para ditech which is  Katy - mula kay Katy Perry na umawit ng  kantang Peacock he he he .

2nd is a black  Umbra . Elegant black para disente at  panlalake daw ( kahit bading me )  . Puwedeng pamporma at pang - display . Kinuha ko naman ito dahil sa mala - botelyang plastic case nito na puwede mong suksukan ng payong mo kapag basa pa . Kung ikaw ay maraming dalang mga abubot  sa iyong bag at ayaw mo itong mabasa pagkagaling mo sa ulan o ambon man , puwedeng puwede ito dahil isusuksok mo lang sa plastic bottle-shaped case niya at presto selyado na ang lahat ng moisture at hamog mula sa iyong payong . So secured na ang mga mahahalagang gamit at papeles mo laban sa basa . Ella naman ang pangalan ng umbrellang itech dahil kamukha ng mga payong na nasa video ni Rihanna para sa kantang Umbrella .



3rd is a checkered Umbrella World . This time ay isang automatic payong naman ang aking pinili .

Kung tipo kang laging nagmamadali at hassle sa iyo ang pagbukas - sara ng payong mo kapag maulan , puwes ito ang para sa iyo - automatic .




Pindutin lang ang arrow sa itaas , at bubukas na ang iyong yongpa . Pindot naman sa arrow sa ibaba , at kusang magsasara ang iyong umbrella .

I nicknamed this one as Checkie naman dahil checkered siya . Oh debah halatang pinag -isipan ang pangalan. Mahilig din kasi ako sa chess kaya checkered ang pinili ko . Bukod pa sa stand out at unique ang design para maiba .

Hodevah , tatlong payong para at least may reserba kapag unti -unting nawala ang bawat isa hi hi hi.

I think it's a wise investment naman . At least protektado ka na laban sa weather system na maaaring sumira sa ating katawan once na hindi mo ito prinotektahan laban sa araw , hangin at ulan .

And they are like my friends too  , likable , dependable ,  fashionable and durable anumang panahon ang ilatag sa iyo ng buhay .

So tara na , makisilong ka na sa payong ko !

3 comments:

  1. where did you buy ur peacock umbrella?

    ReplyDelete
  2. ...and how much po?

    ReplyDelete
  3. peacock umbrella meron Php 200.

    ReplyDelete