TRAVELBOOK NOW!

Monday, October 10, 2011

Sex Toys

Minsang napasyal ako sa kalsada ng Avenida sa Maynila , may napansin akong mga kakaibang inilalako sa gilid ng daan .

Makulay kasi at kakaiba ang mga hitsura at anyo ng mga ito.

Parang mga laruan .

At nang sipatin ko nang malapitan kung ano ang mga ibinebentang kalakal na ito , saka ko lang napansin  ang malaking karatulang nakasabit sa may bandang uluhan ng mga ito :

SEX TOYS for sale .

Laruan nga .

Pero hindi pambata . Kundi pang-matanda !

Nuon ko lang nalaman na mayruon palang ibinebentang ganitong klaseng mga  kalakal  sa Kamaynilaan.

Ang alam ko lang kasing mga toys o laruan na sinasabi ay  iyong mga pambata gaya ng robot , kotse-kotsehan , bola , manika at Barbie Doll .

Isama na natin diyan ang Lego , Slinky , yoyo , tirador , brick game at ngayo'y meron nang PSP.

Mga laruang nagbibigay aliw at kasiyahan sa mga gumagamit nito , lalo na sa mga bata .

Subalit meron din palang ibang klaseng  laruan para sa mga matatanda.

Laruang pang - matanda ?  Laruang pang - romansa ?  Laruang pang - kama ?

Hmmm , humingi ako ng tulong kay Mr . Webster upang maliwanagan ang nagugulumihanan kong isip .

At ayon kay Mr. Webster , heto ang mga definition na nakuha ko :
  
Noun
toy (plural toys)
  1. Something to play with, especially as intended for use by a child.
  2. A thing of little importance or value; a trifle.
  3. Love play, amorous dalliance; fondling.
  4. A vague fancy, a ridiculous idea or notion; a whim.                                                  
At base sa mga depinisyong iyan , pasok  ang nabanggit na mga merchandise items  bilang mga laruan. Tingnan n'yo yung definition number 3 . Puwede rin sa definition number 4 di ba ?

Nakiusyoso pa ako nang mas malapitan at masusing sinipat ang nasabing mga paninda .

Sa pagtatanong - tanong ko sa tindero nito ,  sinabi niyang ang mga ito ay ginagamit upang lalong mapagana at mapasarap ang mga " paglalaro " sa kama . Samakatuwid may mga laro palang " pang - kama ." At ang mga
" laruang " ito ang puwedeng kasangkapan sa paglalaro sa kama .

Ibat  ibang klase , disenyo at hugis ang mga " laruang " nabanggit .

May mga  ikinakabit at/o isinusuot sa maseselang bahagi ng katawan.

Mayruon namang ipinapahid , itinatapal o ipinupunas lamang .

At mayruon ding titingnan mo lang o pakikinggan na parang video o musika .

Mayruong de-baterya o kaya 'y puwede ring nakasaksak sa kuryente .

Mamili ka lang at ibibigay sa iyo ang laruang hinahanap mo .

Something for your own sexual pleasure .

Nakita ko ang isang " laruang " ito :
Oh debah naman at ibigay mo iyan sa bata ay aakalain niyang ito ay isang simpleng pink rubber duck . Pero sa matanda " rubber dick " ang tawag nila  diyan .

At ito , kapag ibinigay mo sa bata ay aakalain niyang simpleng headband o hair clip kaya :

Pero , vibrator iyan mga ineng .

At ito naman , parang bolpen lang at dalawang bola : 
 Pero dildo iyan , baka hindi ninyo alam !

At itong isa , palobohin kaya ng mga bata ? Baka akalain nilang plastic balloon ito .

Tulad nang ginawa ng mamang ito  :


Ah ewan . Basta ang alam ko kapag bata ang nagpalobo niyan at pumutok , okay lang . Walang problema. Pero kapag matanda ang nagpalobo niyan at pumutok , delikado , ibang tiyan  ang lolobo .

The bottomline : Nasa malisya  ng utak ang tingin niya sa isang bagay .  Kapag bata ang binigyan mo ng mga ito , pihado , walang kamuwang - muwang at buong kainosentehang  isang magandang laruan ang tingin niya sa mga ito .

Ngunit kapag matanda na ang pinahawak mo ng mga ito , ang mga bagay na hindi naman dapat
" pinaglalaruan " ay nagiging " laruan " dahil sa pagiging malisyoso at malikhain ng utak nito.

Naisip ko lang kung kailangan nga ba talaga ang mga laruang ito bilang pampagana at pampalasa sa ating ritwal ng pakikipagtalik sa pribadong kuwarto ng ating buhay?

Siguro para sa iba , kailangan nga nila.

Sapagkat napansin ko na marami din ngang bumibili ng nasabing mga paninda .

Ngunit para sa akin , sapat na ang makalumang estilo ng pakikipagtalik.

Iyong wala nang masyadong seremonyas at palabok . Mas simple at natural , mas swabe ang hagod ikanga.

Sabi nga ng kakilala kong hustler  , " nasa performance lang iyan  "

Hindi na kailangan ang ibat ibang klaseng mga sex toys and gadgets bilang kasangkapan.

Siguro nga !

Marahil ay laro lamang ang tingin ng iba sa dapat ay sagradong ritwal ng pagsisiping .

Kaya ang iba , ang daming ibang " kalaro " . Mayruon nang legal na kalaro , naghahanap pa ng ilegal na kalaro.  May iba pa nga  " naglalaro ng apoy "

At ang iba naman , namimilit makipaglaro kahit ayaw sa kanilang makipaglaro . Puwersahang laro ba ito ?
Rape ba ang tawag dito ng mga matatanda   ? Kahit ayaw makipaglaro , pipilitin mong makipaglaro dahil gusto mo ?

Dahil ang lahat para sa iyo ay isa lamang laro !

At umalis ako sa puwestong iyon na may mga agam - agam sa aking isipan.

Nagtatanong kung ang mga iyon ba ay  kailangan.

Ang mga ito ay laruan , walang duda.

Laruan nga sila .

Pero hindi pang-bata , kundi pang - matanda .

Matandang mga isip - bata pa rin .

Laruang hindi mo ipagkakapuring bitbitin at ipakita sa mga walang muwang na bata . At gayon din naman sa mga matatandang moralista na nagbabanal-banalan.

Kundi laruang iyong itatago  at isisilid sa bulsa upang walang makakita.

Ang laruang iyong ikahihiya .

Laruang gamit sa pansariling kaligayahan.

Dahil sa ang pakikipagtalik daw .

Ay isang laro lamang .

Kaya nga  loveplay ang kanilang katawagan !

Ang post na ito ay aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 3 ( Blog Freestyle )

4 comments:

  1. hi edgar, dami mong nadidiskober ha. musta na ang ating buk?

    ReplyDelete
  2. good luck kuya..sana mnalo tong write-up mo...i'm ur no.1 follower and fan:)hehe

    ReplyDelete
  3. @ Mam Terry .. by November po submit ko na iyong draft
    @ Grace ... uyy thank you cuz ... he he ..sana nga manalo ito para masaya ang Pasko he he ... ingatz cuz .. miss you ... God bless ...

    ReplyDelete
  4. yw...let's keep our fingers crossed pra mnalo yan..super nice nman eh and realistic..misssssss u too..

    ReplyDelete