Sunday, October 9, 2011

Pinoy Biggest Loser

The Fab Five
 Napuyat ako kagabi sa kapapanuod ng Biggest Loser: Pinoy Edition Grand Finale na natapos ng halos maghahating-gabi na , whew !

Pero sulit naman dahil nasaksihan ko ang nakakamanghang transformation ng  all 16 contestants into a  more sexier and buffed beings than before when they first entered the camp.

Nakakalula ang mga sebong nalusaw ng mga contestants na talaga namang pumayat at nabawasan ng timbang sa kanilang pag - stay ng halos apat na buwan sa loob ng Biggest Loser camp.

The Fab Five before and after

The Fab Five in much leaner form
Dating mga hebigat at lumilindol ang daan sa kanilang pagdating  , ngunit kagabi ay nagulantang ang lahat dahil they have certainly proven na kayang gawing posible ang imposible kung meron ka lamang courage , determination and will na pumayat depende sa motivations mo .

Ang mga dating chararat at nakakaumay na tabatsingtsing ay naging yummy and delicious bigla at puwede nang maging hunky heartthrob like Raffy Tan at pang Miss Universe pa daw according to Sharon Cuneta na si Hazel Chua , parehong 22 anyos at tila umuusbong na loveteam in the future he he .

They have truly conquered the seemingly impossible task of staying fit and healthy sa tulong na rin siyempre ng kanilang mga magagaling na coaches and mentors na sina Chinggay Andrada at Jim Saret .

Nakakamangha dahil habang lumalabas sila papuntang stage at naglalakad kasabay ang holographic image nila nuong sila ay mga dambuhala pa ay makikita mo ang malaking metamorphosis sa kanilang mga katawan na naging mas lean at sexy kaysa nuong una .

Sa kahuli-hulihan ay tinanghal na First Pinoy Biggest Loser ang 36 years old Bicolano na  si Larry Martin  bilang siyang may pinakamalaking timbang na nabawas sa buong grupo.

Larry Martin before and after

Larry Martin's winning form and figure . Look how much pounds he had lost . What an astounding feat !
Congratulations sa lahat and you've made all the Filipinos proud .

Truly being obese is conquerable if you only have the guts and willingness to make a big change and eventually succeed in your life .

Ito naman ang mga Loser na maipagmamalaki as a Winner dahil sa kanilang courage and determination to overcome the impossible .

So , may pag-asa pa rin pala na mawala ang aking pot belly o beer belly ? Meron !


Ngunit ang tanong ay kung may determination ba ako para mapaliit ito ? Yan ang tanong !

1 comment:



  1. Thank you for sharing..Just keep on writing an article
    I love eating while watching movies. Try to visit this site to watch movie online for free.. ^__^

    Where to watch movies

    Watch movie online for free

    Watch movies online

    American Tv Series

    Korean Tv series


    for more trending news try to visit "
    "is now Trending"


    Thank you for sharing..I will tell my friend and cousins about your blog




    ReplyDelete