Monday, October 24, 2011

My 40th Birthday Celebrations

I have turned 40 last September 30 , 2011 .

Status nga ng Facebook ko that day ay " I am 40 now , but I 'm feeling 20 "  he he he.

" Well , ang edad ay nasa feeling lang iyan " , sabi ko nga duon sa message ko sa isang follower . " Kahit pa 60 ka na , kung pakiramdam mo ay 30 ka  pa lang , You'll be " , dagdag ko pa .

Aba at nakaka-apatnapung taon na pala ako dito sa lupa mula nang bumulusok ako mula sa langit . Parang si Lucifer lang : D

Naaalala ko pa na nuong aking 38th birthday ay nagpadala  ako ng letter  kay Migs ng Manila Gay Guy blogsite.

Heto ang letter ko : I'm 38 , Yet I Feel Empty And Worthless

At nai-feature pa iyan sa book niya na Dear Migs  . 

That was two years ago . Very pathetic pa ako nuon . Walang  pag-asa . Walang kasiyahan . Walang nagmamahal .Walang pera he he he .

Hindi naman sa naging mayaman at dumami na ang pera ko ngayon , pero at least mas dumami ang mga kaibigang  nagmamahal sa akin.

Marami pa akong hinihingi at pinapangarap na gustong gawin at matupad .

Pero ang maganda , hindi ako nagmamadali . Hinay hinay lang ang drama ko ngayon . Slowly but surely ikanga !

Hindi pa ako kuntento sa buhay ko ngayon . Ngunit ang maganda , hindi rin ako diskuntento .

At least mas marunong na ako ngayong maghintay at magtiwala .

Manalig at manamplataya na balang araw ay matutupad din ang lahat ng aking mga pinapangarap .

Sa umpisa pa lamang ng araw ay lagare na ang lolah n'yo . Literal yan ha .


Ito ay dahil sa kailangan kong kumpunihin ang kisame ng aking tindahan na nasira ng bagyong Pedring !

Pagdating ng hapon ay gora na kami  ng aking family sa SM Masinag at eat galore sa Giligan's .









Pagdating ng Linggo ay simba mode naman tayo para bawas kasalanan he he he . At siyempre nagpa-bless at nagpa - pray kay Pastor at Pastora . At treat ng konting meryenda sa mga ka - churchmate.

Kinagabihan ay treat ko naman ang  few members of my  circle of friends for a dinner  .




Iyan lang ang itinerary ng ruta last birthday ko .

Salamat sa mga bumati sa Facebook , Blogger , Twitter , Multiply , Hotmail at Smart account ko .

At sa mga nagbigy ng mga  " munting gifts " , salamat po !.

Sa mga hindi pa nakakabigay , may panahon pa kayo para humabol he he he .

Looking forward for my 41st birthday come 2012 .

Ako ay patanda nang patanda , ngunit pabata nang pabata hi hi hi .

Praise be to God for this truly wonderful and magnificent life !!!

God bless us all !

3 comments:

  1. like like like..very optimistic ang lola mo..pag ganyan ka lagi cuz..kahit maging 90 ka pa..feeling young kpa rin..and im glad that u claim contentment..pabongga na rin store mo good for u..miss u, keep it up!

    ReplyDelete
  2. Thanks Ron and Cuz Grace and Joe too of GB ... salamat sa daily pagsubaybay sa aking site ... God bless us all ...

    ReplyDelete