TRAVELBOOK NOW!

Monday, October 17, 2011

Lipps Popstix

Nakakatuwa namaan itong bagong commercial ng Lipps Popstix tungkol sa isang tila ba nakakashokot na lola na ayaw magpa-bless , ngunit yun pala ay may winning charisma and smile para sa kaniyang mga apo.

Ang type pala ni grandma ay  magpa-kiss sa cheeks mula  sa kaniyang mga inapo  .

With matching colored lipmark courtesy of the colored lollipop of Lipps Popstix.

Nuon pa man ay type ko na itong Lipps candy na ito .


Ito ay dahil sa natutupad ng kending ito ang aking matagal nang pantasya na  makapag - lipstick he he he.

Hodevah , kapag tinanong ako ni Father dear kung bakit may lipstick ang bibig ko ay puwede kong irason na " dahil sa Lipps candy  yan Father dearest"

May instant alibi agad he he .

oyy , hindi iyan dahil sa Lipps ha , kundi iyan ay truly kissable red lips ko he he he , charing !!!
At huwag ka ,  dahil ngayon ay iba't ibang kulay na ang puwede mong maging lipstick . Hindi katulad nuon na pula  lang . Meron na silang Blackberry , Blue Magic at Strawberry .

Kaya mga beki , gora na , taralets at bumili na ng sangkaterbang Lipps para maging kissable and lip-smacking ang ating mga labia hi hi hi hi.

Ay mali , sa mga babae lang pala yung labia he he he.

Wala pang TVC video saYoutube kaya later na lang ang video kapag available na sa YT.

No comments:

Post a Comment