Wednesday, October 26, 2011

Leetec Rechargeable Torchlight

Nakatanggap kami ng regalong Leetec Rechargeable Torchlight galing sa aming " regular sponsor " .

Okay ang gadget na ito dahil kailangan mo lang isaksak sa outlet ng kuryente at presto mayruon ka nang flashlight na magagamit mo sa mga emergency o sa oras ng pangangailangan kapag walang ilaw.

Passe na ang mga old flashlights na kailangan mo pang lagyan ng sangkatutak na battery bago mo mapailaw.

Gagastusan mo  pa ng ilang pirasong pagkamamahal na mga batteries bago mo ito magamit . Katulad na lamang nitong lantern / flashlight na dala ni Father mula sa Saudi .

 Anim na pirasong D-size battery ang kailangan mo ritong i-salansan bago mo mapagana.

Madali pang ma-lobat sa ilang beses lang na gamitan . Hindi  rin puwede ang lokal na battery dahil madaling manghina . Kaya kailangan ay iyong garantisadong tumatagal kahit pagkamamahal gaya ng Energizer at Eveready .

Mayruon din namang mga rechargeable battery pero hindi rin maaasahan dahil madali ring ma-lobat at ma-drain ang mga ito .

Kaya nga ang gift na ito mula sa Leetec is a welcome thing.

Isaksak mo lang ang plug sa outlet at presto may steady , malawak at maliwanag na supply ka na ng lights ng ilang araw para sa pinakamadilim mang bahagi ng iyong buhay , charing !


At ang maganda hindi lang siya flashlight o torchlight dahil puwede rin siyang lantern .

Ang kaniyang torchligth ay may 7 led torch at ang kaniyang lantern naman ay may 12 led lights .

Sana ang ibang gamit ay rechargeable na rin para hindi mo na kailangang  mag-aksaya ng pera para sa mga disposable battery .

Ilang mga gamit na gusto kong maging rechargeable ay ang wall clock , remote control , microphone , digicam , mga laruang de baterya at relo  he he he .

Leetec Rechargeable Torchlight , welcome to the club .

No comments:

Post a Comment