TRAVELBOOK NOW!

Friday, October 14, 2011

Joke time

Mag - joke naman tayo para maiba .

Una , gusto ko lang i - share ang isang true to life " halakhak " moment ko nuong isang araw.

Ganito yun :

Bumibili ako sa isang tindahan ng buko nang maulinigan ko ang ganitong usapan ...

MANANG  : " Pabili nga ng buko . "

TINDERO : " Anong klaseng buko manang ? "

MANANG :  " Iyong malambot lang . Mala - uhog ba . Ayoko ng matigas kasi hindi makain  ng apo ko ."

TINDERO : " Sige po ipipili ko kayo ng malambot lang ."

Pagkatapos ay pumili na ng buko mula sa mga salansan si manong tindero ...

TINDERO : " Ito ho manang , malambot ho ito sigurado "

MANANG : " Baka matigas iyan ha , sabi ko sayo ayoko ng matigas ."

TINDERO : " Huwag po kayong mag-alala , malambot  po ito . "

MANANG : ( itinuturo ang isang buko na nasa harap ng tindero ) " IYANG NASA HARAP MO MUKHANG  MATIGAS NA IYAN AH . MATIGAS NA BA IYAN ? "

TINDERO : " Aba opo , matigas na matigas na po !!!  "

At bigla akong napatingin down there he he he ....

: D

________________________________________________________

Heto naman ang isa pa , na-receive ko as a text message :

Isang tatay ang nag-text sa anak niyang nag-eexam:

TATAY  : " Anak , pagbutihin mo ang exam mo ha . Alam kong kaya mo iyan . Sikapin mong pumasa  . Dahil kapag hindi ka nakapasa diyan  kalimutan mo nang tatay mo ako at kalilimutan na rin kita bilang anak ko . Tandaan mo iyan "

Nag textback ang anak:

ANAK : " Okay po tatay . Pagbubutihin ko po talaga itong exam para po maging proud kayo sa akin at hindi ninyo ako ikahiya at itakwil bilang anak ninyo. Huwag po kayong mag-alala "

Textback ng tatay .

TATAY : " Okay sige malinaw ang usapan natin ha . Kapag hindi ka pumasa  diyan sa exam , huwag mo na akong kilalaning tatay at hindi na rin kita kikilalaning anak "

Textback ni anak .

ANAK : " Okay po tatay "

Texback ni tatay .

TATAY : " Sige after one hour ay magte-text  ako at kukumustahin ko ang exam mo . Good luck anak ."

Texback ni anak.

ANAK : " Okay po ."

After one hour  , nag - text si tatay  :

TATAY : " Anak kumusta na ang exam mo ? Pumasa ka ba anak ha ? "

ANAK : " Hu U ???!!! "

: P
__________________________________________________________

At heto naman ang usapan between me and my beki friend  Rommel :

Rommel : Alam mo nuong araw may isang humula sa akin .

Me : At ano naman ang hula sa iyo ?

Rommel : High school pa ako nun nang hulaan ako ng isang manang . Kinuha ang aking kamay at ang sabi " alam mo bang magkakaruon ka ng maraming babae . Maraming babae ang mababaliw at maghahabol sa iyo . At marami kang paiiyakin na babae "

Me: Oh e di ba nagkatutoo nga !

Rommel : Anung nagkatutoo ang pinagsasabi mo , eh ito nga't naging bakla ako . So paanong maraming hahabol na babae sa akin .

Me : Oh e di ba nga , maraming nababaliw , naghahabol at umiiyak na babae sa iyo .... dahil inagaw mo yung mga papa at dyowa nila ha ha ha ha .

Rommel : Ha ha ha ha , oo nga pala ano ...

: P
___________________________________________________________

Ha ha ha ha .... corny .... sige next time na lang ulit ang mga kakornihan ko ... kung meron pang next time  he he he ... Joke lang po !

2 comments:

  1. pwede pang humirit next time..hehe..like it pa rin:)

    ReplyDelete
  2. @ Grace ... sige bigyan pa natin ng next time he he he ...

    ReplyDelete