TRAVELBOOK NOW!

Friday, October 21, 2011

Happy 2nd Year Blog Anniversay

Click to play this Smilebox newsletter
Create your own newsletter - Powered by Smilebox
Create your own free newsletter


Aba , hindi ko namalayan at naka -dalawang taon na pala ang blogsite na ito ngayong araw  .

Sinimulan ko ang blogsite  na ito nuong October 21, 2009 sa pamamagitan ng isang post na pinamagatan kong Mga talent shows nagsusulputang parang kabute 

Napakasimple ng mga unang entry ko nuon at mayruon pang mga  " words and thoughts to live by " sa bandang ending ng post.

Today , there are exactly 730 blogposts ang nandito sa site and counting . Whew !

Marami na ring nagbago sa blogsite na ito dalawang taon nang una ko itong simulan.

Nagsimula ang isang ideyang magbukas ako ng isang blogsite kung saan ay maglalabas ako ng at least isang post kada araw tungkol sa kahit anong topic o idea na maisipan ko. The idea is one post per day . Bagamat minsan ay natutukso akong maglabas ng more than one post per day dahil sa dami ng mga balita at items na karapat-dapat na talakayin sa bawat araw , I would like to stick to the rule na isang post lang kada araw ang drama .

Dapat ay maiksi lang para madaling basahin ( at isulat na rin ) . Iyon bang isang pasada lang ng mata mo ay tapos na agad at kuha mo na ang buod ng kuwento. Sapagkat aminin man natin o hindi , tamad kasi magbasa ang mga Pinoy ng mga mahahabang akda tulad ng mga nobela kaya iniiksian ko na lang as much as possible . Pero may I confess din ako on my part  na dahil din  minsan ay natatamad me much magsulat ng mga mala-nobelang artikulo kaya mas feel ko ang short story  he he he. Lalo na kung walang bumubulwak na creative pineapple juice  sa aking grey matter at aatakehin ka ng Writer's Block .

Pero , as they say , there's always an exception to the rule . Minsang sinisipag ako ay napapahaba naman like the Nile River ang aking artikulo like this one na siya kong pinakamahabang entry  about  population control na pinamagatan kong  Ang Condom At Ang Simbahan

Minsan ay kailangan mo rin kasing himayin ang issue at marami kang puntong gustong maiparating at maisaad kaya napapahaba marahil ang isang post ko . Pero minsan  lang ito , pramis . kaya huwag kayong mauumay .

Mahirap nuong una dahil halos hindi ko alam kung ano ang ilalabas at susulatin ko sa araw araw.

Minsan cramming talaga dahil  araw araw ang update ko ng blog.

Lalo na nang magkaruon ako ng full time job sa isang call center company sa Commonwealth Avenue , Quezon City .

Puro pictures , songs at video na lang ang naipo-post ko para madalian lang at konting caption at summary lang ang kailangan.

O kaya naman ay repost o reblog ng ibang entry ng ibang mga bloggers para mas madali.

Hindi madali ang mag-maintain ng blogsite  lalo na kung daily ang updates mo sa iyong mga entry . Madugo ang pagri-research at paghahanap ng tamang mga salita na ipapasok mo sa iyong mga posts. Kailangan kasi na credible at mapagkakatiwalaan ang source mo ng mga balita. Dagdag pa ang mga larawang kalakip nito dahil nakakaumay basahin ang isang post na wala man lang mga photo ek ek na kasali . Misan ang bagal pang mag -download ng mga pictyoor .
 
Dadag mo na rin ang mga gastos o expenses mo para dito katulad ng internet connections ,  kuryente sa paggamit mo ng laptop o desktop at minsan ay pagri-rent sa isang computer shop kung kinakailangan na may - i-update sa mga entry mo kapag ikaw ay wala sa bahay o nasa labas ka at naglalamyerda. Eh wala pa naman akong personal tablet he he .   ( Sponsors anyone ? )

Nandiyan din ang minsan ay kailangan mong pumunta at bumiyahe sa isang lugar o destinasyon para lamang mai-cover mo ng maayos at wasto  ang isang topic na gusto mong talakayin at pag-usapan.

Para sa akin , ang pagme-maintain ng isang blog ay isang bokasyon . Kailangan dito ang perseverance  at dedication para magpatuloy ang iyong blogsite .Hindi puwede ang tatamad tamad magsulat at mag-research .

Sa paglipas ng panahon ay natuto na rin akong mag - schedule ng mga posts .

Sa katunayan ay fully booked na nga ang mga scheduled posts ko hanggang December ng taong ito sa dami ng ideang pumapasok sa aking munting kukote na gusto kong i-blog.

Halos hindi ko  na nga alam kung ano ang uunahin ko sa mga ideyang pumapasok sa aking manipis na jutak.

Kapag may mga bagong topic o istorya na nagaganap sa kasalukuyan at karapat - dapat na matalakay , madali ko namang maisisingit in between the scheduled posts ang bagong entry para updated at hindi tayo mahuli sa mga bagong balita. Ang nangyayari ay iuurong ko lang ng date ang mga scheduled posts ko.

Dahil dito ay madami na rin akong nakilalang mga kapwa bloggers  . Bagamat hindi ko pa sila nakikita personally , alam kong may friendship nang nabubuo sa amin dahil sa pagkakaisa ng aming mga layunin .

Maliit lang ang kita sa pagba-blog , hindi kalakihan , at least sa kaso ko . May mga nababalitaan akong mga blogsite na tiba tiba daw kung kumita at talagang limpak limpak ang income na nage-generate ng kanilang mga blogsite . Ngunit  sa aking kaso , hindi ko pa nama-master ng maayos kung paano ito gagawin. Maybe in the near future ay mamamaster ko  rin kung paano paganahin ng husto ang income -generating capacity  ng isang blogsite tulad nito . But for now , nagkakasya muna ako sa barya baryang kita mula dito . Pasasaan ba't I know that time will come na magiging isa ito sa pinaka-binibisita at dinadayong blogsite sa buong mundo , hodevah , makapangarap lang ng gising  . Di bale , libre naman ang mangarap he he .

At least sa ngayon ay kuntento na ako sa kung ano man mayruon ang aking blogsite na unti unti na ring nakikilala. Basta ang gusto ko lamang gawin sa ngayon ay magbahagi at magsulat ng aking mga palagay at opinyon tungkol sa maraming bagay sa ating mundo .

Dahil maraming puwedeng isulat at ikuwento kung marunong ka lamang magmasid sa iyong paligid.

Sa kabilang banda , marami din namang mga perks and benefits na nakukuha mula sa pagba-blog . Tulad ng mga freebies and items na ibinibigay ng mga " sponsors " : D . Nandiyan din ang mga events and activities na inilalaan para sa mga bloggers like me.

Dagdag pa ang pagkakaruon ng mga fans and followers na malaking bonus na para sa amin  .

In the future , maybe middle of next year if time permits , nais kong bumuo ng isang samahan ng mga gay bloggers like me. Yes , you read it right . I want to spearhead a group of  bloggers na ang mga miyembro at coordinators ay puro berde at pink . At mayruon na akong napupusuang anyayahan upang maging founding members and core leaders ng grupong ito. At may  napipili nga akong posibleng maging katuwang sa pagbuo ng grupong ito na sina Bb. Melanie ng Todo Sa Bongga at Ateh Paul ng Pasok Sa Banga. Kaya kung mababasa ninyo ito Ms. Melanie at Ateh Paul ay mag- react na kayo dali  he he he . Huwag kayong mag-alala , next year pa naman ito kaya may panahon pa tayong mag-nilay nilay he he he.

May pangalan na nga akong napipisil para dito  , at ito ay ang Bloggers Exclusive Kafatiran Incorporated ,  in short B.E.K.I. !

Well ,nasa plano pa lang iyan and I hope na sana mag - materialize in the near future.

Dahil din dito ay nagkaruon ako ng chance na manalo sa ilang mga contests na aking sinalihan through blogging like sa Zombadings Free Screening , Dupe Sandals , Cecon atbp. na sobrang nakaka-inspire naman talaga. At may mga iba pa akong contests na sinalihan at sana ay maging winner din me hopefully .

I know that the world wide web of blogging has a lot to offer . Sa mundong ito ay nailalabas ko ang lahat ng gusto kong sabihin at ipaalam sa buong mundo .

This is like a sort of an open diary na nababasa ng mas maraming tao.

Bata pa lamang ako ay ito na ang hilig ko . Ang maipahayag sa madlang pipol ang aking mga sentimyento at kalooban .

Araw araw pa rin tayong magkakasama hanggang sa huling araw na kung saan ay hindi ko na magagawang makapagsulat pa , pramis!

Sana ay huwag kayong magsawa sa pagsubaybay sa aking mga daily B.I.T.E.S. kahit na minsan ay wala nang kuwenta ang aking mga pinagsususulat he he he.

At kung mayruon man kayong nais ipatalakay or any suggestions para mas lalong mapaganda ang site  na ito , feel free to leave your comments sa comment box o i-email ako sa address na  nakalagay sa itaas.

Happy 2nd Year Anniversary sa ating lahat mga ka - B.I.T.E.S.

Sa atin ito at para sa buong mundo .

To God be the glory , Amen !

3 comments:

  1. Happy 2nd Anniversary sa blog mo. :) Di ko alam na may kumikita pala ng limpak limpak sa blogging. Alam ko bokasyon lang ito. O kaya naman exercise sa pagsusulat para mas ganahan ako sa raket. :)

    ReplyDelete
  2. Happy anniversary sa BITES!

    Ipagpatuloy mo lang ang pag-share ng samu't saring kwento at opinyon. I'm looking forward sa BEKI project mo. I hope mag materialize 'yan in the future. Hopefully hindi ako masyadong busy para naman makatulong ako sa pagpapalaganap niyan.

    More fink power to your blog! :)

    ReplyDelete
  3. @ Mugen : thank you for being an avid follower ... yes , may mga kumikita talaga ng limpak(2x) sa pagba - blog ... and sana mamaster din natin yun he he ... invite kita sa BEKI project he he ... God bless

    @Melanie : thank you teh ... sana nga
    mag - materialize project natin ... we'll cross that bridge when we get there ... ingatz lagueh ...

    ReplyDelete