Saturday, October 1, 2011

the boys

Pasubali :

Type ko sanang i-hide sa mapanuring mata ng publiko ang post na ito. Yun bang tipong magki-klik ka muna ng isang link bago mo maituloy-tuloy  ang pagbabasa . O kaya naman ay lalagyan ko ng password ang post na ito at ang tanging makakakuha lamang ng tamang password ang siyang makakapagpatuloy sa pagbabasa .

Sa totoo lang ay nagdadalawang -isip nga ako kung ilalabas ko pa ba ang nilalaman ng entry na ito .

Dalawang bagay kasi ang aking inaalala.:

1.) Na baka matapos ang post na ito ay mabansagan na  akong pokpok at pinakamalanding bakla sa balat ng lupa hi hi hi .

2.) Baka abangan ako at sumpakin  na lamang bigla ng mga ex-dyowa kong nabanggit sa entry na ito ha ha ha.

Heniwey , dahil blog ko naman ito kaya ako ang may say kung ano ang gusto kong maging content nito !

Isusulat ko at ilalabas ko kung ano ang gusto kong isulat at ilabas hi hi hi .

Bansagan n'yo na akong pokpok at haliparot wala na akong paki. At abangan n'yo na ako sa daan para hagisan  ng granada at Sinturon Ni Hudas kung gusto ninyo , basta ilalabas ko ito  !

Hitsurang magkandaduwal at magkandasuka pa kayo sa inyong mga susunod na matutunghayan!

Basta ang babala ng author para sa entry na ito ay : Parental Guidance is advised !
_______________________________________________________________________

Nakatuwaan ko nuong isang araw na ilista ang mga na-involved na lalaki sa aking buhay.

Involved means romantically and sexually involved he he he.

At dahil fresh pa naman sa memory ko ang lahat ng mga nakuda at nahada kong mga vengaboys ay nakapagtala ako ng 46 na otoko sa aking magic listahan.

To set the record straight , 34 years old ako nang una akong ma-donselya hi hi hi.

Walang halong echos , year 2006 nang una kong maabot  ang langit ikanga ni Medwin Marfil ng True Faith.

Tandang tanda ko pa ang first encounter ko na iyon sa mga kalahi ni Adan.

Magmula nang matikman ko iyon , naging sunod sunod na at palasak ang aking mga advenures and encounters with the third kind.

At ngayon nga , in a span of 6 years , aba at  nakaka  44  lalaki na pala ako sa life ko now.

Bongga!

Para sa ibang mga baklushi , less pa at maliit lang ang  bilang na iyan , dahil yung iba kong kakilalang mga beki ay naka-libo na yata  ng nahahadang umbaw.

Pero para sa mga babae , marami na iyan . Kaya nga nang ikuwento ko ito sa aking pinsang babae ay shocked to death ang lolah mo. Isa raw akong berdaderong pokpok. Kung naging babae daw ako ay baka naka libo na akong anak. Ano yun buwan buwan buntis , hitad.

Ako na ang higad sige. Idagdag mo na ang gabi at kurikong at buni , ako na yun lahat ha ha ha .

For the record  , 4  pa lang ( lang ??? ) ang naging boyfriend ko o dyowa.

Ito yung romantically involved ako ha at may promise of sweet nothings betwen us.

Ang una kong naging karelasyon ay si Joseph Rivera.

Wala lang. Ito yung time na nag-eexperiment pa lang ako about love love na yan. Bagito pa ako pagdating sa larangang ito nuon. Kaya nuong manligaw siya sa akin ( manligaw daw oh ) sinagot ko agad . For experience lang kumbaga. Sandali lang naging kami. Siguro kulang kulang 4 months lang . Tapos nun hindi na kami nagkita . At nung magkita ulit kami , wala na hindi na kami  nagpapansinan . Ganun lang kadali.

Ang pangalawa ay si Conrad S. Gozon.

Bryan  ang screen name na ibinigay niya  sa akin nuong una kaming magkita. Guwapo at cute ang kumag na ito kaya madali akong na-fall in love . Malambing at maalalahanin si Conrad kaya madali niya akong napa-ibig. May eksenang habang naglalakad kami sa kahabaan ng kalsada na ang daming taong dumaraan  ay biglang kinuha ang kamay ko at hinawakan ng madiin . Ako na ang nahiya . Ang sabi ko , " hindi ka ba nahihiya na may nakakakita sa atin  na magka-holding hands."  Ang sagot niya " eh bakit ano ba ang pakialam nila eh boyfriend kita di ba? Bakit ikinahihiya mo ba ako? " O davah naman , ako na ang pinangaralan ng lola mo . Kaya naman simula nuon ay lalo ko siyang minahal. Siya ang maituturing kong first true love ko. Ibinuhos ko ang lahat kong resources sa kaniya. First time ba namang magmahal ang bakla davah. Kaya parang baliw baliwang Sisa lang ako nuon . Hanggang sa magpaalam na siyang pupunta daw ng States. Akala ko ay nagbibiro lang siya . Yun pala ay totoo. Pinetisyon na daw siya ng Mama niya na nanduon sa Tate. Hanggang sa araw na umalis siya ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na nga  siya. Siya ang first heartache ko . Ilang buwan pagkatapos niyang umalis ay para akong lukaret na laging naghihintay duon sa aming dating tagpuan . Umaasang nanduon pa siya at magpapakita sa akin anytime. We exchanged emails  pa several months after he left . Pero lumipas pa ang panahon at nakalimot na rin siguro ang loko. At ako ay nagsimula na ring mag move - on hu hu hu.


Ang pangatlo ay si Rommel Mamades .

Dahil nga sa sakit at hapdi na idinulot ng unang heartache ko with Conrad ay may nagpayo sa aking humanap kaagad ng bagong karelasyon para madali ko daw makalimutan si Conrad. At dumating nga si Rommel. Kumbaga , ginawa ko siyang panakip butas  upang maghilom agad ang sugat na iniwan ni Conrad sa aking pusong sawi  he he . Okay din naman si Rommel . Pero siya iyong more on material things ang hanap kaysa sa romance . Kaya hindi rin kami nagtagal at nakipag break-up din ako sa kaniya after several months.

At ang  huli ay si Mark Kervin Chan.

Tunay na pogi ang lalaking etu. Chinito at maputi . Campus hearthrob ang loko kaya hindi ko na pinakawalan pa. Sa kaniya ako nabaliw ng sobra . Matagal naging kami , halos tatlong taon . May monthsary celebration pa kami huh. Sunod sa luho ang loka kaya nahirati sa akin. At ako naman si gaga , nagpakalunod sa kabobahan at kababawan. Naging masaya din naman ako sa piling niya  . At hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang espesyal na pagkakaibigan namin  dahil may pitak pa rin naman siya sa aking puso. Hanggang duon na  lang muna ang mai-ooffer ko sa kaniya . Dahil sa kaniya ay napagod na ang puso kong magmahal kaya ngayon ay enjoy muna ako sa pagiging  loveless at single.

So iyan ang mga lalaking aking nakarelasyon .

Heto naman ang roll call ng mga lalaking naka-ulayaw ko nang pansumandali sa aking nag-aapoy na lawa ng pagnanasa hi hi hi. Mga libog moments lang ikanga hi hi hi .

Not in chronological order po ito ha. And you are forewarned and duly advised huh :

1.)   JAY - AR - siya ang aking first time experience. 
2.)   BJ 
3.)   JOPETH 
4.)   JONARD 
5.)   REN-REN
6.)   PAUL
7.)   MJ or MARK JOSEPH
8.)   KEN-KEN
9.)   MJ also known as TIGAS
10.) KENNETH
11.) DIEGO
12.) IVAN
13.) JUSTINE
14.) JASPER
15.) MEYNARD
16.) CEDIE - na nahada ko sa isang videoke
17.) KEVIN - sa Riverpark , Marikina City
18.) MICHAEL - sa Mayamot, Antipolo City
19.) MAC MAC - na maangas at siga
20.) JEROME
21.) RON RON
22.) MARK - na taga Balic Balic , Sampaloc Manila
23.) MARK na taga Arlegui , Manila
24.) JOHN
25.) JOMAR
26.) DAVEN
27.) GINO
28.) BUTCH
29.) WARREN
30.) CHARLES
31.) RYAN
32.) JOHN JOHN
33.) ALBERT
34.) JM
35.) MACKY
36.) LYNDON ( ? ) na taga  Laguna
37.) JONARD ( ? ) na taga Quiapo
38.) isang taga Mayhaligue na dinala ko sa bahay ng aking kaibigang si Ferds
39.) isang taga Marikina na dinala ko sa room na inupahan namin sa Arlegui , Manila
40.) at isang nai-booking ko sa loob ng North Cemetery
41.) LESTER
42.) EUGENE
43.) PAULO

Yun na !

Oh walang kokontra huh.

Blog ko ito kaya ako ang may sey kung ano ang ipo-post ko ha ha ha.

Kahit pa nakakasuka at nakakaumay ang laman hi hi hi.

Type ko sanang lagyan ng mga pictures pero baka mademanda na ako sa  kasong act of profanity , obscenity , indecency and lewdness ha ha ha.

Minsan lang naman ito kaya  pagbigyan n'yo na ang kalandian ko.

Once in a blue moon lang , pramis .

No comments:

Post a Comment