TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 1, 2011

Zombadings' LIBRE screening at SM Megamall

I have 4 free tickets courtesy of Inquirer Libre kaya naman gorilya ang family ko sa SM Megamall to watch this much talked-about movie of the year.

Super bonding at enjoy to the max naman ang aming lakad dahil bale birthday treat  na rin namin ito sa hipag kong si Liza na nag-birthday nitong  September 1 , 2011 .

As early as 6 PM ay nasa Megamall na kami para mauna sana sa screening . But sad to say ay 7 pa daw magsisimula ang pagpasok ng mga manonood.

Nang pumatak ang alas siyete ng gabi ay kuntodo lakad na kami sa red carpet na mistulang mga Hollywood actors.

Pasado alas otso na nagsimula ang pelikula dahil nagkaruon pa ng brief appearance ang mga kasama sa pelikula tulad nila Janice de Belen , Roderick Paulate , Lauren Young , Martin Escudero , Kerbie Zamora at Direk Jade Castro.

Enjoy kami sa movie na itechi dahil as usual ay very funny pa rin itong si mareng Roderick Paulate AKA Kuya Dick at hindi pa rin nawawala ang karisma. Huli ko siyang napanuod sa pelikulang Ded Na Si Lolo kung saan ay napahagalpak niya ako ng todo. Walang ka-effort effort magpatawa ni Kuya Dick  kahit sa mga eksenanag takutan . Maiksi lamang ang role na natoka sa kaniya dito pero awaarrrddd . Markado rin ang role dito ni Eugene Domingo na kahit sandali lang sa screen ay umuugong ang loob sa tawanan ng mga tao sa kaniya.

Aliw din kami sa mga bidang sina Martin Escudero dahil kahit na hindi bading ( hindi nga ba he he he? ) ay mahusay na nai-portray ang hinihinging  karakter na transforming baklushi.  Dumadagundong ang sinehan sa mga eksenang nagta-transformers na patungo sa pagkabakla si Remington dulot ng isang sumpa.

All in all ay puwede kong bigyan ng rating na 3 out of 5 ang pelikulang ito dahil sa tawa at aliw factor. Medyo bawas lang sa shokot factor dahil hindi siya nakakashokot talaga he he he.

Here are my pictures to share :


The Poster
The Freebie
The 4 Tickets
My companion family
The lobby
At the cinema lobby
Me and my mother
Inside the theater
after the movie , tsibugan naman sa Jollibee
My family
PSP mode muna
genius much ?
napagod ka na madam?

No comments:

Post a Comment