TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 8, 2011

X-Men : First Class

Hindi ako binigo ng pang-limang  installment ng X-Men series na X-Men : First Class

So love ko talaga ang series na ito dahil so like ng pinagdadaanang misadventures  ng mga badiday like me na sobrang mislabeled at misunderstood na entity sa mundo . Marami ang nakakatanggap na , pero marami pa din ang hindi maitatatwang nagagalit at nagdidisgusto sa mga " freak and abnormal creatures" na tulad ng mga X-Men.

We are so so like X-men .

Dito sa pelikula ay ipinakita naman ang pagsisimula ng pagkakakilala at later ay pagiging magkaibigan nina Professor X at Magneto whom after several years ay magkakabanggaan din at magiging mortal na magkaaway . Bale prequel ito ng naunang mga installment .

Ipinabatid din ng pelikula ang simula ng istorya at buhay nina Beast , Mystique , Havok , Azazel , Riptide , Banshee at  Tempest .

Bagamat hindi masyadong magarbo ang mga special effects at tila ba nakulangan ako sa mga fighting and chasing scenes dito , sulit pa din dahil sa mainam na pagkakalahad ng back story  ng mga bida . At nalaman ko ang background ng mga tauhan dito.

Tila malayo pa ang itatakbo ng seryeng ito mula sa Marvel Comics dahil marami pang puwedeng ikuwento at ilahad mula sa punto de bista ng ibat ibang makukulay na characters ng seryeng ito .

Ang iba pang mga characters na inaabangan kong maitampok ang mga kuwento at personal na buhay sa pelikula ay  ang kina Storm , Psylocke , Jubilee , Archangel , Nightcrawler , Colossus , Cyclops , Rogue , Jean Grey , Iceman at marami pang iba .

Ayon sa official website nito ay sigurado na ang showing ng mga future sequels nito like The Wolverine in 2012 at Deadpool na kasalukuyan pa lang na sinu-shooting at maaaring ipalabas by 2014.

Tiyak na marami pa akong aabangan na pelikula nito kaya mahaba-habang paglalakbay pa ito ng mga X-Men.

At any rate , heto na ang official trailer ng The Wolverine at fan-made teaser naman ng Deadpool respectively:



No comments:

Post a Comment