TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 16, 2011

Wikileaks reports secrets

 Astig na talaga itong Wikileaks  anoh.

Aba at pati ang Pilipinas ay isinama na sa report ng mga kaanomalyahan.

Eh di ba at idinawit nga ang dating Pangulong Fidel Valdez Ramos na tumanggap diumano ng regalo o pondo mula sa Libyan leader na si Muammar Gaddafi nuong eleksyon ng taong 1992 para gamitin sa kaniyang kandidatura.

At dahil dito ay nanggagalaiti ang nuo'y nakaribal niya sa pampanguluhang eleksyon na ngayo'y si Senator Miriam Defensor Santiago at gusto siyang ipatawag sa hearing upang magpaliwanag hinggil sa report na ito ng Wikileaks.

Na sinagot naman ni FVR na " kung puwede rin na pati si Gaddaffi ay ipatawag dahil sangkot din siya sa usaping ito "

Itong Wikileaks ay isang website na nagre-report ng mga sikreto at lihim mula sa mga anonymous spies , whistleblowers  at leakers sa iba't ibang panig ng mundo .

Kumbaga ay ibinubulgar niya ang mga dapat sana ay classified information para maihayag sa buong mundo.

Hindi kaya ay delikado ito at magkaruon ng hindi pagkakaunawaan in the future ang ilang mga sangkot na lider ng mga bansa dahil sa pagbubunyag na ginagawang ito ng Wikileaks ?

Kunsabagay ay may kasabihan ngang "walang lihim na hindi nabubunyag "



Dapat lang siguro ay mapagkakatiwalaan ang mga sources ng organisasyong  ito nang sa gayon ay hindi mabahiran ng  pulitika ang mga classified information na inilalabas ng ahensyang ito.

Ilan nga sa mga controversial leaks nito ay ang mga footages and videos ng air strike sa Baghdad , Iraq ng US , ilang mga kaganapan sa Guantanamo Prison at mga maseselang intelligence report galing sa Kenya at Peru na ngayon ay buong tapang na inilabas ng Wikileaks na ito .

Maraming bansa na nga ang umaalma dahil dito , kabilang  na ang Amerika dahil mukhang nagiging malasado na ang ginagawa nilang pangangalap at kalaunan ay  pagbubunyag ng mga dapat sana ay sikretong impormasyon  ng mga sangkot na personalidad.

Hindi ba't binansagan na nga itong " The Most Dangerous Website ".

Paborito ko ang Wikipedia at Wiktionary .

Pero itong Wikileaks , hmmm , I have doubts tungkol sa tunay na motibo at layunin ng site na ito .

Huwag lang sanang maging Weakest Link itong Wikileaks huh !

Kayo ano sa palagay ninyo?

2 comments:

  1. Sang-ayon ako dito idol. Although may karapatan ang publiko na malaman ang karamihan sa impormasyon na inilalathala ng wikileaks, maari itong maging sanhi ng kaguluhan. Kelnagan maunawaan ng mga tao sa likod ng wikileaks na hindi lahat ng sikreto ay dapat nilang ilabas. Maaring ito ang mag simula ng anarkiya sa ibang bansa.

    ReplyDelete
  2. Thanks Lone Viardo ... tigasin talaga ang Wikileaks na yan ... ang dami nang sikretong ibinubulgar ... they don't believe in the saying that says " secrets should be kept secret "

    ReplyDelete