TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 23, 2011

Urine Therapy

Nabigla ang lahat sa pag-amin ng makakalaban ni Congressman Manny Pacquiao na si Juan Manuel Marquez na umiinom ng kaniyang sariling ihi para daw lumakas sa bawat laban niya .

Heto pa nga ang isang kuhang litrato na nagpapakitang talagang dumi-drink siya ng kadiring sariling urinella.


Ayon sa mga eksperto , ang component ng ihi ay 95% water at 5% na dumi o excretions .

Para naman sa akin , kahit pa 1 % lang na dumi yan , still dumi pa rin , so bakit mo ipapasok sa katawan mo davah ?

Sa ganang akin , kaya nga inilabas na ng katawan mo ay dahil sa ipinalagay ng iyong body na iyan ay hindi na kailangan ng iyong sistema . It is actually a waste material lahat ng bagay na inilalabas ng ating katawan .

Kasama na dito ang pawis , sipon , plema , ubo , suka , tae at iba pa na mga kadumihang iniitsa-pwera  ng ating katawan na maaaring makasira ng ating sistema.

Ang logic lang ay bakit mo pa ipapasok ulit  sa iyong katawan ang mga bagay na inilabas mo na davah?

Ahh , hindi ko maintindihan ang mga ritwal ng ibang mga tao , nakakalokah lang .

Shit  Therapy , anyone ???

2 comments: