TRAVELBOOK NOW!

Sunday, September 11, 2011

Teeth


Maganda rin talaga ang nahihilig kang manuod ng mga peliks either bibili ka ng mga DVD o manghihiram sa kapitbahay o kamag-anak. Dahil paminsan-minsan ay makakatisod ka ng mga pelikulang magaganda at may kabuluhan.

Katulad na lang nitong Teeth na nahiram ko lamang sa isang kaibigan . This film is directed by  Mitchell Lichtenstein at 2007 pa ito ipinalabas kaya medyo luma na.

Unusual and weird ang tema at plot ng pelikulang ito , tungkol sa Vagina Dentata : isang klase ng mito tungkol sa pagkakaruon diumano ng " ngipin " o teeth sa  vagina o ari ng mga babae .
 
Nakakatawa kung iisipin , subalit ito ay inimbento  ng mga sinaunang mga tao nuon bilang panakot sa mga lalaking nanloloko at nagtataksil sa kanilang mga asawa o kabiyak at upang mapanatiling sagrado ang pakikipagrelasyon sa isang babae lamang .

Ang istorya ay tungkol kay Dawn O'Keefe ( Jess Weixler ) bilang pangunahing tagapagsalita ng isang Christian Chastity group na nagpapanatili ng pagkabirhen ng isang babae hanggang sa araw ng kaniyang kasal.

Hanggang sa unti unti niyang malaman at matuklasan na mayruon pala siyang itinatagong kaweirduhan sa mismong ari niya .
 
Dumating ang time na siya mismo ang sumubok na makipag-sex ng mas maaga upang malaman ang joys and pains ng ritwal na ito .

Maraming mga eksenang dapat ay nakakatakot pero lumabas na nakakatuwa at nakakaaliw . A brilliant mixture of horror and humor at the same time.

Tulad ng mga eksenang naputol ang titi ng kasiping niya nang akmang rereypin siya , ang doktor na nagtangkang magsamantala nang malamang virgin pa siya nang magpa-examine dito tungkol sa kaniyang kakaibang kalagayan , at ng isang kaklase na nakipag-sex sa  kaniya dahil sa isang  pustahan  nilang magkaibigan .
Nakakatawang panuorin ang mga napuputol na titi na pumapasag pasag pa dahil na rin sa kabuktutan at pagsasamantala ng mga lalaking may-ari nito .

Mala Lorena Bobbitt ba minus the knife .

Sa huli ay napagtanto niyang puwede pala niyang maging arams o sandata ang kaibahang ito laban sa mga lalaking mapagsamantala at may masasamang hangarin sa mga tulad niyang babae .

Sa mga babae , pabor ba kayong magkaruon ng ngipin ang inyong mga ari upag kung sakaling magtaksil at magloko ang inyong mga lalaki ay putol titi agad ?

Nagtatanong lang po .

So sa mga pilyo at palikerong lalaki , better watch out .

2 comments:

  1. di ba may ngipin din ang bibig mo hi hi hi

    ReplyDelete
  2. Oo nga anoh ... ikaw talaga Romana ka huh ...

    ReplyDelete