TRAVELBOOK NOW!

Sunday, September 25, 2011

Sex Strike

Sex Strike , meron pala nito .

Sa true lang , ngayon ko lang ito narinig .

Ito'y nang pumutok ang balita tungkol sa isang sex strike na matagumpay na nairaos sa Dado , Maguindanao ng mga kababaihan duon na nag-demand na hindi makikipag-sex sa kanilang mga asawa bilang protesta sa mga tunggaliang nagaganap sa kanilang lugar na nakakaapekto na sa kanilang kabuhayn.

Ayon sa Wikipedia , matanda na pala ang kaugaliang ito at unang nabanggit sa komedya  ni Aristophanes na Lysistrata . At mayruon na ring ilang dokumentong naipalabas na nagpapatunay na isa itong mabisang paraan upang maiparating ang kahilingan sa mapayapang paraan ng mga apektadong indibidwal.

Katunaya'y ilang mga sex strike na ang naidaos at naging matagumpay tulad ng sa Belgium , Colombia , Kenya at Liberia .

Ngayon ay dito naman sa Pilipinas idinaos kung saan isang grupo ng mga kababaihang kabilang sa mga lokal na mananahi dito na labis na naaapektuhan ng mga kabi-kabilaang labanan at tensyon sa ilang mga magkakalabang angkan at lipi sa lugar na ito. Sa pamumuno ni Hasna Kandatu ay naiparating nila ang mensahe sa kanilang mga asawa na itigil na ang mga bakbakan at iringan sa mga magkakaaway na tribo nang sa gayon ay sumigla ang komersyo at kalakalan sa lugar.

Ang kanilang naging mabisang armas , tigil sex at putol titi kung hindi titigilan ang mga bakbakan.

Mas gugustuhin pa daw  nila ang labanan at bakbakan sa kama kaysa giyera sa kalsada .

Mas gusto nila ang buhay na baril na pumapasag - pasag pa at  pumuputok ng likidong  nagbibigay ng buhay kaysa sa mga baril na metal na pumuputok din ng bala pero bumabawi ng buhay . 

Make love na  lang not war ikanga he he .



Aba , at epektib naman ang technique na itech dahil ilang araw na daw na walang nagaganap na mga engkwentro sa bahaging ito ng Mindanao.

Patunay lamang na mas aprub sa mga mister ang sex kaysa war he he he.

Na hindi sila puwedeng mabuhay na walang kangkangan , samantalang mas maalwan ang buhay kung walang bakbakan .

Samanatala .nagbababala din ang mga callboy at callgirl na magsi-sex strike din daw sila .

Ito ay laban daw sa mga barat na kostumer na hindi nagbabayad ng tamang payola  at saka tip .

Ang slogan nila " Bago ibaba ang mga brief at panty , itaas muna ang aming service fee "

 Aba , magdidiyeta muna ako nito sa mga booking he he he.

Heto ang video ng interview kay Hasna Kandatu kaugnay sa kanilang sex strike :

3 comments:

  1. hehe...galing namn ni kuya edgar..san mo napupulot mga information na ganito..??ok din ang mga lalaki sa maguindanao ano..di makatiis..hehe..ganda ng write-up mo kuya..great job:)

    ReplyDelete
  2. thank you my dear cuz ... TC always ....

    ReplyDelete
  3. you've got an educational information.... thanks for that......

    ReplyDelete