TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, September 6, 2011

Saan Ang Lakad Mo Kasama Ang Dupe ?


Dahil na rin sa pang-eengganyo ng katotong Khantotantra  ( ikaw ang salarin Khanto he he he ) na sumali sa pakontes ng Dupe , the original Brazilian made sandals , ay napasugod tuloy ako sa SM Cubao upang mang-hunting ng pares ng Dupe na ito at masubukan.

Ang sabi ng salesclerk na nag-sales talk sa akin para dito ay matibay at maaasahan daw ang sandals na ito ng Dupe . Hindi nagpe-fade ang kulay at design sa suwelas nito dahil daw sa rubber technology  na ginamit para dito . Ang suwelas ay hindi madaling masira at meron pang sole cushion para suwabe at hindi masakit sa paa kapag isinusuot .

The salesclerk told me that it is pronounced as " du-peyh " which literally means " of the feet " . Akala ko nuong una ay " dup " ang pronunciation. Of course hindi ito synonymous with " being duped " o " naloko o nalinlang ". Dahil hindi manloloko ang Dupe sa ganda , tibay at originality ng brand na ito . 

Puwede pang sabihing maloloko o maaadik ka sa Dupe .

Pwede daw itong panlakad kahit araw araw at asahan na hindi agad agad mapupudpod . Pwedeng pwede sa tulad kong numero unong ipinaglihing makati ang paa.

Mahilig ako sa mga sandals at tsinelas na tulad nito . Hindi ko masyadong feel ang mga sapatos at closed shoes dahil feeling ko ay nasasakal ang aking mala-porselanang mga happy feet kapag suot ko sila , choz.

Kaya naman mas feel kong mag-invest sa mga tsinelas at sandals kaysa sa mga shoes ek ek na iyan.
Mas kumportable nang suotin , mas mura pa he he.

Gone are the days na ordinaryong de sipit na goma ang panangga ng aking paa laban sa mga elementong nakakatisod at nakakasugat ng sangkalupaan. Uso na ngayon ang mga makukulay at sari-saring design na  sapin sa paa  katuald ng mga flip-flops , Crocs , Havaiianas , Banana Peel , Islander at kung anu -ano pang brands na nagkalat ngayon sa merkado.

Isa sa mapagkakatiwalaan  ay itong Dupe nga , straight from Brazil huh . Imported ang lolah n'yo.

Sa ilang linggo ko pa lang na pagsusuot ay ramdam ko na  agad ang kakaibang " tender loving care " na hagod nitong sandalyas na itech.

Kaya naman , I'm sure na buy pa ako ng isang pares in the near future.

At sana , mapili rin akong manalo ng isang matibay na pares ng Dupe sa kanilang pakontes ukol dito. Nang  sa gayon ay dumami pa ang koleksyones ko ng feet friend na ito from Brazil .

Tamang tamang regalo sa birthday ko on September 30 when they will be announcing the winners .

Timing naman dahil ang Miss Universe 2011 ay gaganapin sa Sao Paolo , Brazil kaya tila ba taon ngayon  ng mga Brazilian huh. Magandang side by side promotion from this South American country.

In any case ay gusto ninyong sumali sa Facebook pakontes ng Dupe , heto ang mechanics . Puwede pang humabol dahil hanggang September 28 pa ia-accept ang mga entries n'yo.

Heto naman ang aking photo entry  he he he.


2 comments:

  1. Hindi namin alam kung baket, pero nainggit kame sa tsinelas mo. Baka dahil mukang sa picture mo dyan, mas komportable ipatong ang paa sa cooler ng RC cola pag naka dupe. Nakaka-aliw 'tong blog mo. Nasa hit list na namin 'to. Isa sa mga iba ang timpla, relax lang tambayan. Salamat sa patambay.

    ReplyDelete
  2. Uyy ... salamat naman po sa pagbisita at nag comment pa talaga he he ... flattered naman po ako ... isa rin ang inyong site sa mga hindi ko kinalilimutang bisitahin araw araw .. tunay na nakakaaliw naman kasi ... idol ko nga kayo pagdating sa blogging he he ... salamat at naisali n'yo ako sa inyong hitlist ... thank you nga din pala sa pagtatanggol sa tanong tungkol sa kung bakit maraming baklang salot ... totoong makitid ang kaniyang utak at gago talaga sya he he he ... sayang nga lang at walang comment .. kundi inulan siya ng batikos mula sa aming mga kafatiran he he ... may kakampi na kami sa inyo .... salamat po ulit ... God bless ...

    ReplyDelete