TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, September 28, 2011

Powderpuff Gay

Mukhang trend at in fashion ngayon ang maglagay ng pulbo sa fez.

Dati ay mga babae lang ang naglalagay ng pulbo sa kanilang mga mukha in aid of grooming and being beautiful and looking fresh.

Aba , ngayon ay nakakamangha dahil kahit mga berdaderong tunay na mga umbaw ay may I pahid ng powder  sa kanilang feztawel huh .

At hindi lang basta powder , yung iba ay gumagamit pa ng summer cake or  foundation pa talaga ang ipinapahid . Meron namang iba na concealer ang ipinapahid para magmukhang fresh ang kanilang aurabels.

Mga banidosa .

Likas na oily ang aking mukha .

At dahil dito ay madalas akong magka-pimples dahil sa overproduction  ng oil ng aking mga sebaceous glands.

Tila ba nag-oovertime at nagna-night shift pa  kahit wala namang OT pay at night differential ang mga empleyado ko ng mantika sa balat kaya kahit na kakaligo ko pa lang at makalipas lamang ang ilang minuto ay puwede nang magprito ng daing at tocino o longganisa sa aking mukha sa  pamamagitan ng kawali he he he.

Eh may nag-ispluk pa sa akin ng chikang oiliness is next to ugliness daw, oh davah .

Kaya naman ngayon ay join na rin ako sa bandwagon at nakiusong maglagay ng powderaka sa aking mukelya .

Katunayan ay bumili pa ako ng malaking talc powder for my daily and hourly consumption he he he.

Gone are the days na taboo ang paglalagay ng pulbos lalo na sa mga kalalakihan .

Kapag ginawa mo ito nuon ay babansagan kang bakla.

Naalala ko pa  nuong aking kabataan at minsang naglagay ako ng pulbos sa aking mukha at makita ako ng aking tiyuhin ay sabihan akong " para kang babae , nagpupulbo ka "

At nang maispatan naman ako ng aking pinsan na nagpupulbo ay sukat ba namang tinukso ako ng ubod lakas na " ay bakla , nagpupulbo "

Hodevah lang . Sexual discrimination to the highest level hmmmppp.

Pero ngayon , aba , keber na , dahil ang ma-macho at ang guguwapo ng mga kalalakihang nagpupulbo at ang puputi ng mukha na parang White Lady sa Balete Drive ha ha ha ha.

Hmmmm , hindi kaya miyembro din sila ng sangkafatiran ??? Ha ha ha ha.

Ako na, ako na ang Powderpuff  Gay , may angal ????

2 comments: