TRAVELBOOK NOW!

Monday, September 19, 2011

PDI LIBRE

Nuong nagtatrabaho pa ako sa isang call center company sa The Fort , lagi akong nakakakuha ng kopya ng Philippine Daily Inquirer LIBRE , ang newspaper tabloid edition ng PDI na available sa mga LRT at MRT stations dito sa Metro Manila.



Pagkagaling sa aking graveyard shift sa trabaho ay dali dali na akong uuwi at pagsakay sa MRT station ay isa ako sa mga unang nakapagtatabi ng kopya nito sa umaga.

Subalit nang mag-resign na ako sa aking kolsenter job ay hindi na ako nakaka-secure nito araw araw.

Mabuti na lang at mayruon pa ding online edition nito kaya updated pa rin ako sa mga reports nito  daily ( except Saturday and Sunday na walang kopya )

Madali akong na-inlove sa bawat pahina ng Inquirer LIBRE . Dahil sa hindi tulad ng ibang mga tabloid na naghuhumiyaw ang kontrobersya , eskandalo , kilabot at hilakbot sa mga balita ; dito sa Libre ay simple at swabe ang mga hagod ng balita kaya nakaka-relax lang na basahin.

Kung kaya naman hanggang dito sa aking blogsite ay hindi kataka-takang mayruon akong link nito para hindi ako mapag-iwanan ng mga balita sa araw - araw.

Nakakatuwang malaman na mayruon pa rin palang mga LIBRE dito sa atin . Ang sabi nga nung isang tindera na pinapalibrehan ko ng isang piraso ng mangga ay " wala nang LIBRE ngayon , lahat may bayad " , ang masungit niyang turan.

Pero heto at LIBRE , walang bayad kahit sentimo.

Pupulutin mo na lang sa bawat istasyon ng MRT at LRT.

Minsan kapag nauubusan ako ng kopya ay iyong mga iniiwang copy na lang ng mga pasahero ang pinagtitiyagaan kong tunghayan.

At kung wala pa rin , online editon ang pinupuntahan ko , LIBRE pa din.

Sabi nga , " The best things in life are LIBRE "

Ito , libreng libre .

Free , gratis , chargeless , on the house , costless.

Sa'n ka pa.

Kaya kuha na , dampot na .

Ikaw rin , baka maubusan ka pa .

LIBRE ito , walang bayad .

Dali , dahil baka bukas mayruon na .

No comments:

Post a Comment