TRAVELBOOK NOW!

Monday, September 26, 2011

Jerry Olea

For the nth time ay muli akong i-ninvite ng kaibigang Jerry Olea para sa kaniyang 45th birthday celebration nitong September 21 , 2011 sa kaniyang bahay sa Projetc 6 Quezon City .

Madalas at lagi akong inaanyayahan ni Sir Jerry ( Editor ng Abante -Tonite ) sa tuwing sumasapit ang kaniyang kaarawan subalit hindi ako nakakapunta .

Simula nang makilala ko itong si Jerry na isang humble at mabait na tao ay makailang beses na rin niya akong inanyayahan . Subalit makailang beses din akong tumanggi .

Nuong nasa kahabaan pa ng Araneta Avenue ang kaniyang bahay ay minsan na rin niya akong inimbita .

Ang tutoo ay nanduon na kami ng aking kaibigang si Alex  sa kanilang lugar nuong gabing iyon nang makaramdam kami pareho ng hiya at kaba na tumuloy pa dahil sa dami ng mga bigating bisita na nasilayan ko nuong gabing iyon sa kaniyang balkonahe . Bagong kakilala ko pa lamang kasi siya nuon kaya feeling ko ay baka ma - OP lang  kung tutuloy kami.

Ang ending , nilantakan namin ni Akex  ang regalo sana  naming Red Ribbon para sa kaniya hi hi hi.

At nang sumunod pang mga taon ay lagi na akong may invitation mula kay Sir Jerry sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkakadeklara ng Martial Law.

Na hindi ko naman napapaunlakan sa maraming mga kadahilanan.

Subalit nitong nakaraang a-21 ng Setyembre ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinikap ko nang makadalo sa piging ng mahal na reyna he he he.

Yakag ang aking kaibigang si Romana , inalis ang hiya at kaba , at piniling makipag-bonding at sosyalan much sa magarbo at impresibong palasyo ni Purity .

Purity ang tawag ko kay Sir Jerry dahil tunay namang busilak at puro ang kaniyang kalooban (sipsip ba Sir Jerry he he ?)

Tubong Lucban ,Quezon , hindi mahirap mahalin ang taong ito dahil sa kaniyang kababaang - loob at likas na mapagmahal sa mga taong kaniyang nakakasalamuha.

Actualy si Sir Jerry ang mentor ko pagdating sa pagsusulat .

Siya ang nagmulat , nagbigay pag-asa at daan upang matuto kong mahalin ang mundo ng pagsusulat.

Kaya naman , taos puso akong nagpapasalamat dahil nakilala ko ang isang Jerry Olea na aking lubos na  pinagpipitaganan.

To Sir Jerry , this is my way of thanking you dahil sa pagtanggap mo sa akin bilang isang kabigan at dahil dito ay umasa ka na patuloy ang aking support  sa iyo at sa iyong pinaglilingkurang diyaryo .

Sana ay ibalik mo na ang iyong Jokes Lang Po column dahil miss na miss na namin ito.

At pumayag ka nang mai-feature kita para sa aking libro he he he .

Happy Birthday ulit Jerry Olea , hanggang sa muli.

2 comments:

  1. wow ... sikat ang friend mo cuz huh

    ReplyDelete
  2. oo nga cuz ... ako lang ang hindi sikat he he he ... TC always cuz ...

    ReplyDelete