TRAVELBOOK NOW!

Sunday, September 18, 2011

HBD Father

Today is the 67th birthday celebration of my dearest Father .

Ang bida / kontrabida  sa teleserye ng aking buhay bakla hi hi hi.

Seldom na napi-feature or name-mention man lang sa mga story / blog ko  ang aking Father dearest .

But this time , hayaan nating siya naman ang bida .

By and by ay nai-recount ko na dito sa blogsite ang ilang mga occasions of bouts and fights ( parang boxing lang nina Mayweather at Ortiz he he he  )  between me and my Father .

Ganuon kasi ang relationship namin . Maraming sad and painful encounters ang aming pinagdaanan.  Parang switch ng ilaw , minsan naka - off , minsan naman naka - on .

Of course , lahat ay may kinalaman sa aking pagiging bakla .

Very rare ang happiness and joyous moments with my Father.

Aaminin ko until now ,  I'm still not getting the hang of it when it comes to my Father.

Pero , thank God , dahil at least smooth sailing  na ang paglalayag namin ngayon bilang mag-ama.

At least i can say na mas kalmado ang aming biyahe ngayon kaysa nuon .

Nuon ay talagang rough sailing and oftentimes we are marooned in an island of animosity and oblivion.

Kung sa himpapawid naman , kumbaga ay madalas ang turbulence at air pockets.

Ngayon ay okay na . Hindi man kami ganuon ka - close at ka - sweet sa isa't isa , at least nanduon ang paggalang at respeto sa estado ng aming buhay ngayon.

All is well sabi nga ni Rancho  ng Three Idiots.

At dahil ngayon ay isa na siyang Sitio Chairman , umaapaw ang mga hebigat na bisita sa kaniyang Outpost .

From the Kapitan , to the other Baranggay Chairman and the numerous Kagawads and Baranggay Officials up to the Tanods and Secretaries at mga opisyal ng SK sa aming lugar , aba , level up na ang loloh n'yo.

Ngayon lamang ito nangyari na mga bigating tao ang naging bisita ni Father dear .

Kaya naman , taob din ang lukbutan niya dahil sa dami ng gastos.

Heniwey , ganiyan naman si Father eh , masyadong ma-estima sa kaniyang mga bisita .

HBD Father at sana ay matagal pa tayong magsama in a more harmonious and peaceful way .

Isa lang ang pinapangarap kong matupad sa iyong mga susunod pang kaarawan.

Iyon ay ang matanggap mo na ang anak mo ay isa palang sirena hi hi hi.

Oh well , hindi ka naman marunong mag-open ng internet kaya for sure hindi mo ito mababasa he he he.

Ito na lang ang mga pictures na worthwhile i-share.

Huwag na yung mga photo-ops sa mga opisyales at gabinete ni Chairman , baka sumikat pa

Dito na lang  sa SM Megamall after we treat him for his birthday today :

the Mother , the Nephew and the Father
yours truly , my brother and his wife
takaw ni Chairman he he he
ang sisiba namin he he
ganda mo teh ... ouch ...
uyyy ... close much ??? he he he ... the Chairman and the Charingman
uyy Chairman oh may tinitingnan  yung anak n'yo sa kabilang lamesa he he he

No comments:

Post a Comment