TRAVELBOOK NOW!

Saturday, September 3, 2011

" dibidi , dibidi ba hanap n'yo ? "

Dahil wala na akong mapanuod na DVD sa aming balay-balay kapag may free time ay mega sugod ako sa barter sa Arlegui , Quiapo to buy ng mga piniratang dibidi sa mga suki ko duon.

But to my surprise ( actually hindi na ako na-surprise dahil in the news naman ito he he ) , sarado at wala na akong nakitang mga bukas na tindahan na hindi katulad dati ay nakahambalang ang mga  nagtitinda ng mga pekeng DVD sa parteng ito ng Maynila.

Nakaka-shokot dahil may mga pulis at tanod pa talagang nagbabantay at nagroronda sa vicinity ng area para masigurong wala na talagang nagbebenta nito dito.

Mabuti naman at nakita ko ang suki kong binibilhan dito at inalok niya ako ng mga titles ulit.

Ang tanong ko ay " meron pa ba ? "

Sagot niya , " marami pa , duon sa puwesto ko , halika sama ka sa akin " alok niya.

At dahil kilala ko naman siya ay hindi na ako nag-atubili pang sumama.

Ang drama na pala dito ngayon sa barter ay may mga mag-aalok sa iyo na sumama sa kanila para pumili ng mga tepelya mong DVD mula sa kanilang stocks na nakatago sa sulok ng kanilang mga tindahan.

Mayruon pang mga front na akala mo ay tindahan ng mga damit pero yun pala ay ang daming nakasalansan na DVD , VCD at kung anu - ano pang materyales para sa entertainment duon sa kanilang mga hidden cabinets and closets.

Patago na ang bentahan dito hindi katulad dati na lantaran ang komersyo ng mga piniratang titulo.

Pinapili niya ako mula sa kaniyang mga collections.

At dahil suki na niya ako ay nakuha ko ito sa presyong  lima sa isangdaan o bale bente kada piraso.

At ito ang mga napili ko.


Hindi naman ako magmamalinis at mangingiming aminin na isa ako sa tumatangkilik ng ganitog klaseng kalakal dahil sa affordability ng presyo nito.

Eh isa lamang naman akong hamak na hampaslupa , charing echos , kaya di ko keri ang mag-buy ng mga original DVD na ang presyo ay puwede ko nang ibili ng limang kilong bigas davah.

Eh dito sa isandaan ay limang pelikula na ang ima-marathon mo para mapanuod kasama pa ng iyong buong pamilya  , instant bonding time pa!

In terms of quality ay keber na lang dahil hindi ko naman siya kino-collect eh.

At kapag  may bad copy man akong nakuha ( actually , tatlo sa limang napili ko ay may sira ) pupuwede ko naman siyang ibalik at  papalitan for the same title pa rin.

Ang siste , kapag natapos naming mapanuod ang DVD ay ibebenta ulit namin dito sa tindahan sa halagang 10 pesos  na lang bilang previously viewed discs. Oh at least nabawi ang kalahati ng puhunan he he he . Ako na ang negosyante hi hi hi.

Akshwali , may mga collections din naman ako ng mga orig na DVD at VCD lalo na duon sa mga favorite movie series  ko.

Iyon nga lang  , kung mahilig kang manuod ng ibat ibang klase ng mga pelikula tulad ko ay hindi  mo makakaya na laging original DVD ang i-play mo sa iyong player dahil nga sa kamahalan . Eh kung nakaka  isang DVD kami kada araw at ita-translate mo ito sa pera ay  lumalabas na  1,050.00 ang ilalabas mong pera every week para makabili ng orig na copy sa halagang 150.00 every disc . Sa isang buwan ay 4,200.00 ito.

Whereas kung bibili ka sa Quiapo na ang presyo ay 20.00 lang kada piraso ay 140.00 lang ang isusuka ng bulsa mo para maka-afford nito. Sa isang buwan ay 560.00 pesos lang .

Oh debah ang laki ng menos.

Iyan ay kung isang DVD lang ang panonoorin mo kada araw. Eh paano kung nakakadalawa o tatlo kang pelikula kada araw?

Eh wala na rin namang malapit na Video City rental shop dito sa amin na nagsara na rin at isa pa ay overnight mo lang mapapanuod at magkukumahog ka pa sa pagsosoli.

At kung papanuorin mo naman sa sine ay pagkamahal mahal din at hassle pa sa biyahe . Luxury na nga ngayon ang manuod ng sine , whew .Naabutan ko pa nuon na 10.00 lang ang bayad sa sine , pramis . Aba , ngayon eh umaabot na sa kulang kulang 200.00 , ang bilis mag-appreciate huh.Eh paano pa yung pang-popcorn mo at sitsirya ?

Hindi naman sa ipinagmamalaki o ineendorso ko pa ang pagbili o pagtangkilik ng mga piniratang DVD.

Ang sa akin lang , hindi naman kasi lahat ay can-afford at mapera . In fact , mas marami pa nga ang walang perang tulad ko , choz  ha  ha ha .

At hindi naman kasi araw araw ay Pasko .

May mga panahon din ng  tag-tuyo at paksiw.

Sana lang ay may choices tayo at pagpipilian.

For me , choices makes the world a better place to live in.

Oo na may copyright infringement na tayo tungkol dito . Eh sino ba ang apektado ng batas na iyan ?  Ang mga mayayaman lang naman davah.

Ang totoo , hindi naman talaga tuluyang masusugpo ang piracy na iyan sa mapa ng mundo.

Iyan ay hanggat may mga mahihirap na tumatangkilik ng mga produktong iyan sa buong mundo.

Siguro kapag lahat na tayo ay milyonaryo at mayayaman at can afford nang gumastos lahat para sa mga original na gamit ay saka lang mawawala tiyak ang piracy sa mukha ng daigdig .

Yun lang at babush!

3 comments:

  1. hahahah, ayos ah! punta nga din ako. musta na yung ating paano kung wala ng bakla...? regards

    ReplyDelete
  2. Bakit ganyan ka???
    Pero pag sa boys gumagastos ka ng thousands!
    Hmmmmmp...

    ReplyDelete
  3. @Mam Terry ..sige na po sugod na sa barter he he he ... wait lang po sa book , malapit na ...

    @anonymous ... oo nga anoh .. naisahan mo ako diyan ha ... sige na I'm guilty , your honor he he he ...

    ReplyDelete