TRAVELBOOK NOW!

Monday, September 5, 2011

Dentistirador

Sa wakas at nahuli na rin pala itong binansagang Dentistirador na kumakana at nagmamalasado ng mga dentista sa Kamaynilaan at mga karatig probinsya .

Ang modus operandi ng lintek na ito ay kakatok at papasok sa klinika ng mga dentista at magkukunwaring pasyente na magpapabunot o magpapaayos ng sirang ngipin niya.

At kapag nasa loob na at inaasikaso ng mga walang  kamalay-malay na biktima ay saka magdedeklara ng holdap at lilimasin ang mga gamit at pera at pagkatapos ay pagsasamantalahan pa o mamanyakin ang mga biktimang karaniwan ay mga babaeng dentista.

Kaya nga nang mabalitaan ko ito ay inalerto ko agad ang aking kaibigang dentista na si Dra. Yolanda Se na mag-ingat at mag-prepara ng mga safety measures para sa kaniyang clinic na tulad ng iba ay madalas na mag-isa rin lang sa kaniyang opisina at minsan naman ay kasama lamang ang kaniyang dalawang anak na bata pa.

 Mga dentista ang karaniwan ngayong binibiktima ng mga kawatang ito dahil karaniwan nang mag-isa lamang sa opisina ang mga ito at ni walang assistant at  karamihan pa sa kanila ay mga babae na madaling takutin at gulatin ng mga bugok na ito .

Kaya nga ang payo ng mga kinauukulan ay mag - hire ng security guard sa labas upang magbantay at magmanman gayundin ay ang maglagay ng CCTV camera sa loob bilang pananggalang sa mga masasamang loob na ito na gumagala at naghahasik ng lagim sa ating lipunan.

Mainam din na magsama ng kahit isang assistant na mapagkakatiwalaan at buo ang loob nang sa gayon ay maging deterrent sa kanila kapag nakitang maraming tao sa loob ng klinika.

Ito ay para hindi maisahan ng mga katulad nitong Dentistirador na ito .

Dapat pala dito ay tinitirador tulad ng sa  Angry Birds he he .

Samantala dito sa Rizal Province ay may naiulat na ding kaso ng panghoholdap na gumagaya sa  MO nitong si Dentistirador .

Ang dali talagang manganak ng mga demonyo anoh ???

Kaya , mga kaibigang dentista , ingat poh !!!

No comments:

Post a Comment