TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 29, 2011

Barilan sa SM

In the news ang SM lately .

Hindi dahil sa isang midnight sale o event bazaar.

Kundi dahil sa dalawang beses na barilang naganap mismo sa loob ng kanilang malls.

Una ay ang barilang naganap sa SM North EDSA kung saan ay isang babae ang bumaril sa kaniyang mister dahil sa selos at pagkatapos ay sa isang sekyu na nagtangka lamang na umawat sa kaniya .

At ang pangalawa ay ang pamamaril din sa SM Pampanga kung saan ay involve ang dalawang teenage male lovers na edad 13 at 16 na kapwa namatay sa nasabing insidente . Diumano ay selos din ang pinagmulan ng barilan ng dalawang beki lovers na ito na humantong sa kamatayan .



Unang punto:

Sa dalawang magkasunod na pangyayaring ito ay umugong ang tanong kung safe pa ba tayo sa loob ng mga malls natin.


Ito ay sa kabila ng napakaraming security guards and marshalls  na nakapalibot sa mga malls. Ang tanong nga  ay kung paanong nailulusot ng mga simpleng mamamayang tulad nila ang mga baril na pihadong gawa  sa metal kung talagang gumagana nang maayos ang kanilang mga metal detector na pangkapkap?

Ang ikinababahala ko lang ay paano kung mass shooter o namamaril ng maramihan at terorista ang makapagpasok ng mga baril na iyan at siguradong marami ang madadamay !

Kung sa primera klaseng SM ay nangyayari at nakakalusot sa mga guwardiya ang ganitong mga baril , eh di lalo na kaya sa mga pipitsugin at maliliit lang na mga malls. I 'm sure may security lapse sa mga pangyayaring ito .

Pangalawang punto :

Tunay na ipinakikita ng dalawang senaryong ito that jealousy kills !

It's such a green eyed monster na talagang pumapatay at kumikitil ng buhay !


Kapag ang isang  tao  , ke bakla man iyan o straight pa , matino o adik man , basta dinaluyan ng halimaw na emosyon ng  paninibugho , siguradong nauulol at papatay ! Kaya beware of the green eyed monster! Lalo na kung wala namang basehan ang mga pananaghili.

Pangatlong punto :

Ang kaso naman ng dalawang beki bagets lovers na nagbarilan sa loob ng mall ay tunay namang nakababahala. Biglang na-emphasize tuloy ang gender ng dalawa dahil sa kanilang Romeo and Julio ill-fated relationship .Mga bata pa lamang daw ay naglaladlad na ng kapa.

Sa ganang akin , wala namang kaso kung anong edad  magladlad ang isang bakla ng kaniyang sexual preference at sumabak sa pakikipagrelasyon. Hindi rin dapat sisihin ang media sa sinasabing pagpe-play up ng kabaklaan sa entertainment media . Na sinasabing ginagaya at ginagawang role model  daw ng ating mga kabataan. Lahat naman tayo ay may karapatan , bakla man o hindi .

Ang may pagkukulang marahil dito ay ang mga magulang ng mga bata na nagkulang sa tamang paggabay  tungkol sa pakikipagrelasyon . Anu't anuman , choice iyon  ng dalawang bagets kaya hayaan na natin sila sa naging kahantungan ng kanilang pag-iibigan.


Maging leksyon na lang sana sa mga magulang na may mga anak , whether bakla man iyan or straight , at may karelasyon , na tamang paggabay  at pagpatnubay ng mga magulang ang kinakailangan upang matuto silang  lumakad sa tamang direksyon.

Iyon lang at maraming salamat .

No comments:

Post a Comment