TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, September 14, 2011

ang buwayang si Lolong

Nahuli kamakailan sa Agusan del Sur sa Mindanao ang isang buwaya na may habang 21 feet at pinangalanang si Lolong in tribute sa crocodile hunter na si Ernesto " Lolong " Coñate na namatay dahil sa obsession na mahuli ito .

Ayon sa mga opisyal ay ito na ang pinakamahaba at pinakamalaking  buwaya sa buong mundo at puwedeng ilagay sa Guinness Book Of World Records .

Sikat ngayon ang Pilipinas dahil sa buwayang ito .

At hindi lang iyan , dahil may asawa pa daw ang buwayang ito na di hamak na mas malaki pa kaysa dito kay Lolong . Kasalukuyan pa itong hinahanap at hinuhuli .

Aba kung gusto ninyong makakita ng mas malalaking buwaya pa diyan , punta na kayo sa Batasan .

Tiyak duon ang daming buwaya he he he.

Aba , pihikan at madaling mabusog ang buwayang si Lolong huh !

Sukat ba namang isnab -isnabin ang inihaing isang buong manok para sa kaniya lamang !

Choosy pah !

Panuorin ang video dito :


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV


Huwag ka , dahil ang mga buwaya sa Batasan hindi nabubusog .

Aba'y bundat na sa kakalantak at kakalamon sa kawa ng bayan eh gusto pa ring pumapak at ngumasab ng maraming makakain ang mga lintek na ubod ng takaw at siba .



Iyan ang pang - Guinness talaga !

Mga buwayang walang kabusugan !

Bwakanangina !!!

2 comments:

  1. anlaki ni crocky!!! :D dapat mga trapo ang ipakain jan, wag yung kawawang manok. chos.

    ReplyDelete
  2. @ron ... corrected by ka jan he he he ... unahin si ____________ ha ha ha ha....

    ReplyDelete