Sunday, September 4, 2011

Ang aming mga alagang pusa ...

Nagkalat na ang mga pusa sa aming bakuran huh.

Kaya naman mistula na kaming cat sanctuary katulad ng PAWS. I'm sure matutuwa na ang PAWS niyan sa amin .

Eh kasi naman dahil sa Meowee na itong anak nang anak ng sangkaterba tapos ay ipapaampon sa amin ang mga bubuwit niya huh.

Pusakal lang naman itong si Meowee na ito at kaya namin inampon ay dahil nga sa need namin na magkaruon ng raterminator sa aming bahay at bakuran na ginagawang playground ng mga nagpapatinterong mga kalahi ni Speedy Gonzales.

Ipapakila ko sila sa inyo isa isa ha para ma-meet ninyo ang aming mga alagang pussies he he he.

Meet the cats:

MEOWEE - ang salarin at siyang may sala ng lahat. Malandi at haliparot na pusa na buwan buwan yatang nanganganak at nagpapahindot sa mga alembong na pusakal kaya laging nabubuntis . At pagkatapos ay iiwanan kami ng sangkaterbang kuting .

cool na cool ka jan ha

PUTI / WHITEY - anak ni Meowee . Mabait ang pusakal na itech. Reincarnation yata ito ni Mother Teresa huh . Kung naging tao siya puwedeng gawan ng monumento dahil sa pagiging martir .Kahit anong pagsasadista ang gawin ng aking makukulit na mga pamangkin ay behave lang at  cool ang pusang ito. Ngingiyaw lang at magtatago na sa ilalim ng kama. Ni hindi magamit ang powers ng kaniyang pangangalmot.

echosera , ang hirap mong mag-pose , ang likot likot mo
GARFIELD - kamukha ba? . Ang  nagpapangalan kasi ng mga pusa namin ay ang aking mga pamangkin kaya alam na ! Anak din ni Meowee . Mailap naman ang pusang ito. Hindi close sa kaniyang mga amo. Laging nagmumukmok sa sulok. Hindi katulad ni Puti na malambing . Kung naging tao ito , siguro ang sungit nito at ang taray . At tiyak tatandang dalaga he he he.

buti naman at nag-pose  ka sa pictorial na ito huh
PUSHI - kapatid nila Puti at Garfield . Malikot , maharot at maliksi ang pusang ito . Mahilig mangpapak ng mga sitsirya sa tindahan kapag gabi. Nauubos ang tubo namin sa mga sitsirya dahil sa kaniya . Kapag nainis kami  ipapaampon na lang namin ito sa PAWS .

Oh ang dami mo na namang lalantakang sitsirya sa likod mo ha
PUSSY - kuting pa lamang ito nang aming ampunin bilang alagang pusa. At kapag may daga ay siya pa ang natatakot dahil mas malalaki sa kaniya ang mga ito . Pero ngayon , dambuhala na at kinatatakutan na ng mga pesteng kaaway niya. Aba at mukhang buntis pa ang luka luka. Kanino kaya nagpa - hada ang pokpok na pusang ito?

hodevah , parang Cheshire Cat lang , minus the grin , sungittt


KITTY - ito ang aming prized possession na kitkat . Imported itech . May breeding he he .
Siamese Cat ito mga ineng . At mamumulubi ka sa cat food na nilalantakan nitechi. Blue ang eyes , mama .
At hindi yan contact lens huh. With matching veterinary doctor pa ang bruha kapag may cat flu . Cat flu daw oh.  Ikaw na , ikaw na ang maging imported.



And there it goes , our pets na mga pusa.

Nice meeting you daw sabi nila.

Meowwww .....

5 comments:

  1. ang cucuteeeee!!!!! awwwwww..... mahilig din ako sa pusa please. :D I like PUSSY best sa kanilang lahat. :D

    ReplyDelete
  2. Thank you Ron ... so you like PUSSY ... literal ba yan he he ???

    ReplyDelete
  3. meoww.... nice meeting you all din.. hehe! ang daming pusa..

    ReplyDelete
  4. hahhahaha....ikinagagalak kong kayo ay aking nakilala.!

    we also have cats, una naming inampon babae, her name is sundae. tahimik at mabait na masungit, nung baby sya friends nya mga daga. Ang pangalawa nman ay si sheiko pure white with blue eyes, (malambing, makulit, matapang, masipag, spoiled at higit sa lahat napakalaking bully laging inaaway si sundae at minsan pay napapadugo nya. favorite laruan nya ay tarsier keychain na napagkamalang daga at ipis na ayaw bitiwan hanggat gumagalaw....kaya nga ipis free n house namin ) npulot sya ng ka church nmin sa gitna ng intersection sa highway na daming dumadaan n trucks (buti nga di nasagasaan). kakasimula palang ata nya mglakad nung napunta sya samin at inaapi sya ni sundae pero ngayon sya na ang inaapi. hindi naman sya pinapatulan kahit saktan nya, iniiwasan lang sya. Noong natutong maglandi si sundae kinukulong namin sya dahil ayaw namin syang mabuntis ngunit di napigilan ang kalandian-namaos pa nga sa kakatawag ng mga lalaki- at ngayon nagbunga ito ng 5 na ginagawa namang laruan ni sheiko...(tsk,tsk,tsk..kawawang mga kuting)...though nakakalibang, nakakabutas din ng bulsa. kapag lumaki ang mga ito kami ay mamumulubi dahil catfoods at chicken lang ang kinakain nila...huhuhuhu (kapag diko natiis ibibigay ko nalang sa mga kumakain ng pusa...joke....:)v ) .....hmnn... isa lang masasabi ko....lahat ng pusa namin ay ayaw magpalambing, walk-out ang peg kapag hinimas-himas mo. tsk.

    ReplyDelete
  5. Hi Sison Sisan , nice to know we have the same passion , kaso yung iba diyan ay namatay na or kung hindi man ay naglayas na ... yung imported na lang ang hindi ... : )

    ReplyDelete