TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 2, 2011

Ang aking abaniko

Nitong nakaraang summer ay bumili na ako ng abaniko o pamaypay dahil sa sobrang init dito sa Kamaynilaan.

Na kahit na dis-oras ng gabi ay grabe pa rin ang alinsangan sa kalsada na tinatambayan naming magbabarkada .

Kaya hindi ako nakatiis at bumili na me  ng mumurahing pamaypay na yari sa kawayan at aking nakita sa bangketa.

Pero nawala at hindi ko na nakita pa kung saan napunta.

Bumili ulit ako ng isang foldable naman na pamaypay , iyon  bang bilog na naipo-fold mo at puwedeng ilagay sa bulsa.

Like this oh:

Awa ng Diyos at madaling nasira.

Bili ulit ako ng isa pa na aking nakuha sa suki kong tindera sa kalye ng Quiapo.

Anak ng baka at naiwala ko na naman.


This time ay nagpagawa na ako ng isang abanikong yari sa plastic sa aking suki para hindi madaling masira .

With matching  burda o embroidery of my pangalan pa para bonggga at aking akin lang talaga. O debah , personalized it pa .

May mga ruffles pa sa gilid gilid he he .


Itim kasi ito ang favorite color ko signifying my dark personality , choz ha ha ha.

At para naman hindi mapudpod at masira agad ang aking personalized abaniko ay buysung pa ako ng mumurahin lang naman na extra sevice fan he he he.


Green naman ang color to signify my homosexuality hi hi hi. At flower design pa huh. Kahit wala naman akong  flower hu hu hu.

Kailangan ko ito para sa maalinsangan naming paglalaboy ng mga friendship sa daan upang rumampa ha ha ha.

At kahit ngayong buwan na ng mga -ber ay kung bakit naman super maalinsangan pa rin sa mga eskinita lalo na dito sa Maynila.

Buti na lang at pag-akyat ko ng Antipolo ay malamig na .

Namana ko ito mula sa kaibigan kong mahilig ding mamaypay.

O debah parang ewan lang ha ha ha.

Yun na!

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete