TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, August 3, 2011

Yao Ming retires

Balitang isports naman tayo.

Nag-retire na pala sa larangan ng basketbol ang favorite Chinaman ng NBA na si Yao Ming sa maagang edad na 30.

Tuluyan na ngang hinubad ni Yao Ming ang kaniyang Houston Rockets jersey number 11 nitong July 20 , 2011 .

To date , si Yao ang pinakasikat at popular basketball player na export ng China para sa Amerika.

Ang rason daw ay dahil sa lately ay marami nang injuries na nakukuha itong si Yao mula sa paglalaro ng nasabing sports . Ayon sa record , si Yao ay pang-apat  sa pinakamatangkad na naglaro sa NBA after Gheorghe Mureşan , Manute Bol at Shawn Bradley. Ang height ni Yao ay nasa 2.29 m (7 ft 6 in)

Ito rin naman kasi ang downside ng pagiging matangkad. Prone sa mga injuries and sickness.

Actually , madaling mapagod o mahapo ang isang taong matangkad kaysa sa isang normal height individual.

Ito ay dahil sa kailangan na sobra ding bilis ang pressure ng puso ng isang matangkad na tao para mahusay niyang mai-pump sa buong katawan ang  dugo na kailangan niya sa bawat laro.

Kumbaga ay doble kayod ang puso ng isang matangkad na tao.

Naalala ko tuloy na nuong aking kamusmusan ay inakala ng marami na isa rin akong matangkad na tao.

It's because as young as 12 years old ako ay nasa 5'4" na agad ang height ko nuon.

Ang tukso nga at pang-alaska  sa akin nuon ng mga kalaro ko ay si MONG - isang sikat na komiks character nuon tungkol sa isang matangkad na basketball player.

But sad to say , pag-edad ko ng 18 , ay tumigil na rin ang pituitary gland ko na mag-produce ng hormones para lalo pa akong tumayog.

At ngayon ay na-stuck na ako sa height na 5'7".

At least , normal pa rin para  sa isang Asian na tulad ko.

To Yao Ming , enjoy your retirement  and its benefits  .

3 comments:

  1. Ganun? Mas prone pala ang matatangkad sa sakit. Kaya pala. Thanks for the info teh Edgar :)

    ReplyDelete
  2. Sandali lang inilagi niya sa NBA ah.. sayang..:(

    ReplyDelete
  3. ha ha melanie ... don't worry teh , I know that you're super hyper naman eh ... ikaw na ang matangkad na oozing with powers he he ..
    @mommy razz ... oo nga ... sayang talaga ... if I'm not misataken eh more or less 9 years lang siyang nakapaglaro sa NBA ...

    ReplyDelete