Thursday, August 25, 2011

Tanduay Ice

Sa tutoto lang ay hindi talaga ako isang certified tomador o tanggero.

Aaminin ko iyan.

Di ko feel ang lasa at amoy ng mga espiritu ng alak at beer .

Madali akong mahilo at masuka dahil dito.

Masyadong mapait ang panlasa  ko sa mga ganitong klase ng  inumin .

Kaya naman siguro hindi ako natutong maging sunog - atay.

Tumitira din naman ako , paisa- isang baso at  pashot -shot nga lang  .

Tapos nun , ayaw ko na .

At kapag nasa  harapan ako ng isang nomo session , ako ay isang dakilang Kung- Fu master.

Kung - fumulutan inuubos ubos.

Kapag nagkakaruon  ng mga gimik o any bonding moments na kailangan ng pampagising at pampatulog na rin at the same time  , San Mig Lights ang inuupakan ko .

Pero lately ay na-discover ko ang humahagod at suwabeng tama ng Tanduay Ice .


Hindi siya lasang alak na mapait at mapakla.

Para lang siyang Sprite o 7-Up o Mountain Dew na inimbak ng ilang araw.

Kaya naman nang makasamang maligo sa isang beach resort , heto na , Tanduay Ice ang aking nakasama.

Hmmmm , mukhang maaat - home ako dito ha .

Masarap kasi ang bawal sabi nila  !!



Tara , tagay tayo !!

3 comments:

  1. aba nag-endorse pa! kampay!

    ReplyDelete
  2. Na-miss ko na lasa ng Tanduay Ice. Hehe. Try mo rin yung Gilbey's Premium. Sarap rin yun!

    ReplyDelete
  3. @ Mam Terry -- libre po yan , free endorsement he he he ...

    @ Mugen -- ganun ba , sige ma-try din nga yang Gilbeys na yan , basta wag lang mapait at mapakla he he he ...

    ReplyDelete